Bilang bahagi ng Livestock Economic Enterprise Development Program (LEED) ng Department of Agriculture โ€“ National Livestock Program, nagbahagi ang DA Bicol ng kabuuang โ‚ฑ46 milyong halaga ng Livestock Chicken Layer Module Package sa 20 grupong benepisyaryo mula sa ibaโ€™t ibang lalawigan ng rehiyon ng Bicol. Ito ay kaugnay ng layuning mapalakas ang kontribusyon ng pagmamanukan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng komprehensibong suporta sa produksyon, na inaasahang magreresulta sa pagtaas ng kita ng mga small-hold farmers at sa patuloy na pagpapatatag ng food security sa rehiyon.

Bawat Livestock Chicken Layer Module Package ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang โ‚ฑ2.3 milyon. Sa isinagawang Awarding at Turnover Ceremony, partikular na ipinamigay ngayong araw, ika-15 ng Enero, ang mga egg hauling vehicles, na magsisilbing mahalagang suporta sa maayos at episyenteng transportasyon ng mga itlog mula sa production areas patungo sa pamilihan.

Ang iba pang interbensyon sa ilalim ng naturang package ay binubuo ng 1000 heads ready-to-lay White Leghorn chickens, battery chicken cage (1000 hds capacity), (1) set solar power, (1) unit high pressure washer, 300 pcs. paper egg trays, drugs and biologics, at poultry feeds, na nauna nang naipamahagi sa mga benepisyaryo noong nakaraang Oktubre at Nobyembre.

Sa bawat lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon, tatlong grupo na binubuo ng mga Farmersโ€™ Cooperative Associations (FCAs), State Universities and Colleges (SUCs), at Local Government Units (LGUs) ang nakatanggap ng module package habang limang grupo naman ang tumanggap ng interbensyon mula sa Camarines Sur.

Ulat ni: Emie Jane Malonzo, DA RAFIS 5
Kuhang larawan nina: Zandra Abogado at Ramon Adversario, Jr. DA RAFIS 5