TIWI, ALBAY โ Ibinida ng Joroan Farmers and Fisherfolks Association (JOFFA) ang kanilang mga ani at produktong agrikultural sa Coron Festival Agri-Fair sa Tiwi Municipal Grounds, Albay, mula Agosto 7 hanggang 15, 2026. Kabilang ang JOFFA sa sampung (10) asosasyon na lumahok sa nasabing Agri-Fair. Tampok sa kanilang mga produkto ang farm-fresh eggs, lettuce mula sa greenhouse, sari-saring gulay, Gourmet Tuyo, Gourmet Tinapa, Polvoron, Rice Macaroons, at Leche Flan. Sa kabuuan ng kanilang paglahok, nakapagtala ang JOFFA ng โฑ91,675.00 na gross income.
Sa tulong ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Program ng Department of Agriculture, naipatutupad ng JOFFA ang mga Climate-Resilient Agriculture (CRA) practices tulad ng greenhouse production, paggamit ng UV materials sa rainshelters, at diversified farming. Sa pag-proseso ng kanilang mga ani, nagagawa rin nilang lumikha ng ibaโt ibang produkto na nagbibigay ng dagdag na pagkakakitaan sa kanilang mga miyembro. Sa pamamagitan nito, patuloy nilang napauunlad ang kanilang produksyon at mga gawaing pangkabuhayan.
โMalaking tulong ang Agri-Fair para maipakilala namin ang aming mga produkto at makakuha rin ng mga bagong ideya mula sa ibang mga samahan para mas lalo pa naming mapaunlad ang aming samahan,โ ayon kay Slyvia Astillero, miyembro ng JOFFA. Sa sama-samang pagkilos at patuloy na paggamit ng mga suportang hatid ng AMIA, patuloy na napapalakas ng JOFFA ang kanilang produksyon at nabubuksan ang mga oportunidad para sa mas matatag na kabuhayan.
