SAGร‘AY, CAMARINES SUR โ€” โ€œNapakaimportate ngayon na matuto ang mga Agta-Tabangnon sa pagtatanim ng mas resilient na pananim tulad ng ube upang maging matatag laban sa pagbabago ng klima.โ€ Ito ay ayon kay Jose Tuazon Jr., Punong Barangay at Tribal Chieftain ng Kilomaon sa bayang ito.

Isinagawa ng Adapting Philippine Agriculture (APA) to Climate Change Project ang 2-araw na โ€œFree, Prior, and Informed Consent (FPIC) Consultation Meetingโ€ para sa mga benepisyaryo nitong September 15-16, 2026. Dinaluhan ito ng 60 Agta-Tabangnon tribal chieftains, elders, Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) mula sa 12 barangay na sumasakop ng Ancestral Domain ng Sagรฑay na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa APA Project.

Ayon kay Ernesto A. Banzales, Municipal IPMR ng Sagรฑay, malaking tulong ang APA Project sa mga katutubo dahil kahit matagal na silang nagtatanim ay kailangan pa din nilang matuto ng mga bagong kasanayang makatutulong laban sa pagbabago ng klima.

Iprinesenta nina Oscar D. Adiova, APA RPC, at James A. Belarmino, APA MPS, ang mga layunin at pamamaraan ng APA Project upang mas palakasin ang resilience ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pagtatayo ng mga demonstration sites.

Sa pamamagitan naman ng workshop, naipahayag ng mga katutubo ang nais nilang matutunan na Climate Resilient Agriculture (CRA) practices batay sa kanilang aktuwal na tinatanim at environmental condition.

Nagtapos ang FPIC consultation meeting sa pagpirma ng Resolution of Consent na nagsasaad ng kanilang buong suporta para sa proyekto, dokumentasyon ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), pagtanggap at paggamit ng mga Climate-Resilient Agriculture (CRA) practices, at integrasyon nito sa Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan habang sinisigurong nasusunod ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) Law. (JAMES A. BELARMINO, APA MPS)