TABACO CITY, ALBAY – Binisita ni National Organic Agriculture Program Director Bernadette F. San Juan ang Albay Experiment Station (AES) sa isinagawang site validation para sa panukalang Regional Organic Agriculture Center (ROAC) sa Bicol na planong maitayo sa AES sa susunod na taon.
Nagsagawa rin ng ROAC Workshop noong Hulyo 1โ3, 2026 sa Malilipot, Albay kung saan tinalakay ang potensyal ng mga priority commodities ng Bicol: ang palay, kamote, ube, taro, niyog, pinya, pili, at kasama din ang kalabaw at kambing na kung saan tatlo sa priority commodities na nabanggit ay matatagpuan sa Albay Experiment Station tulad ng pili, ube at kamote. Pinag-usapan din ang mga hamon sa implementasyon, at mga estratehiyang magsisilbing gabay sa pagpapalakas ng ROAC bilang sentro ng kaalaman, teknolohiya, at mga inisyatiba para sa organikong pagsasaka sa rehiyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Director Bernadette F. San Juan ang kahalagahan ng matatag na koordinasyon at sama-samang pagkilos ng mga katuwang na ahensya, lokal na pamahalaan, mga Municipal/City Organic Agriculture Officers, at mga Farmersโ Cooperatives and Associations (FCAs) na nagsusulong ng organikong pagsasaka.
Ang workshop ay dinaluhan ng mga lider ng FCAs, LGUs, DA RFO 5 Organic Agriculture Program sa pangunguna ni Dr. Maria Christina F. Campita, OA program focal person, at Research Outreach Station (ROSes) Superintendents at staff mula sa Albay, Cam Sur, Cam Norte, Catanduanes at Sorsogon. (Ulat ni Jomarie B. Lozada/ kuhang larawan ni Airon Bongon- ARDC)
