Ginanap ang Regional Selection and Screening ng Young Farmers Challenge Upscale at Intercollegiate Component nitong ika – 15 at 16, ng Setyembre 2026 sa DA RFO 5, AMAD Building, San Agustin, Pili, Camarines.

Walong dating kampeon awardees ng YFC Start-Up Component mula sa mga nakaraang season ang muling humarap sa hamon bilang mga agripreneur sa ilalim ng Upscale Component. Bitbit ang kanilang mga karanasan at pangarap na mas mapalago pa ang kanilang negosyo, ipinresenta nila ang kanilang business proposals for upgrading para sa pagkakataong makakuha ng ₱300,000 dagdag na kapital para sa tatlong mapipiling agripreneur. Ang Top 1 ay magkakaroon din ng pagkakataong katawanin ang Bicol Region sa National Competition at makakuha ng karagdagang ₱500,000 na kapital.

Samantala, 10 grupo ng mga estudyante mula sa iba’t ibang mataas na paaralan sa Bicol Region ang naglaban-laban sa Intercollegiate Component. Ang mga nasabing paaralan ay BISCAST, BU (Guinobatan Campus), UCN, CSPC, ParSU (Goa Campus), at SSU (Castilla at Bulan Campus), ipinamalas nila ang kanilang mga makabagong business ideas. Isang grupo ang mapipili upang mag-uwi ng ₱250,000 kapital at katawanin ang Bicol Region sa National Competition, kung saan may pagkakataon ding makakuha ng karagdagang ₱500,000 na kapital.

Higit sa kompetisyon, ang YFC Season 6 ay kuwento ng pagbabalik, pagpupursige, at bagong simula—mula sa mga young agripreneurs na muling bumangon upang palaguin ang kanilang mga negosyo, hanggang sa mga kabataang nagsisimula pa lamang gawing realidad ang kanilang mga ideya sa agribusiness.

Abangan ang pinakahihintay na resulta ng YFC Season 6!

Ulat at larawan: YFC Bicol

#YFCBicol#Intercollegiate#Upscale#YFCSeason6