Isinusulong ng Department of Agriculture Bicol ang mas moderno at episyenteng government procurement sa pamamagitan ng dalawang araw na workshop na โBuilding Competency for Effective Use of Modernized PhilGEPS.โ
Nagsimula nitong ika-16 ng Setyembre, ang aktibidad ay pinangunahan ng Bids and Awards Committee (BAC) ng DA Bicol na naglalayong palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga empleyado sa paggamit ng modernized procurement processes alinsunod sa New Government Procurement Act (Republic Act No. 12009).
Sa unang araw ng workshop, tinalakay ni Dannica I. Absalon, Project Officer I mula sa DA Central Office, ang ibaโt ibang Modalities under the New Government Procurement Act, kabilang ang mga Salient Features ng RA 12009.
Binigyang-diin din ang mahahalagang pagbabago sa pagitan ng RA 9184 at RA 12009, gayundin ang mga Governing Principles of Government Procurement na nagsisilbing gabay upang matiyak ang transparency, accountability, efficiency, at value for money sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Mahalaga ang mga pagbabagong ito sa operasyon ng Kagawaran dahil bahagi ng procurement process ang pagkuha ng mga agricultural interventions tulad ng farm machinery and equipment, planting materials, agricultural inputs, at iba pang suporta para sa mga magsasaka at farmersโ organizations.
Tinalakay din ang Modernized PhilGEPS, Annual Procurement Plan (APP), at ibaโt ibang Bidding Procedures.
Ulat ni: Emie Jane B. Malonzo (DA, RAFIS 5)
Kuhang larawan ni: Angela Mae P. Lafuente (DA, RAFIS 5)
