Nagsama-sama ang mahigit 170 na kinatawan mula sa ibaโt-ibang ahensya, mga lider ng kooperatiba at samahan ng mga magsasaka, pribadong sektor, akademya, at lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol sa ginawang paglulunsad ng Regional Agriculture and Fisheries Investment Portfolio (RAFIP) nitong ika-24 ng Pebrero ngayong taon.
Saklaw ng portfolio ang 32 Investment Packages sa walong prayoridad na commodities ng Bicol: rice, corn, pili, swine, dairy cattle, abaca, cassava, at cacao. Ang mga produkto na ito ay may mataas na potensyal na mag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng rehiyon at magpataas ng kita ng mga magsasaka.
May temang โTaking Flight: Synchronizing Investment Pathways for a Competitive Bicol AF Sector,โ ang launching at convergence meeting ay isinagawa sa Malilipot, Albay ng Department of Agriculture โ Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) RPCO Bicol I-Plan component team.
Binigyang-diin ni Rodel P. Tornilla, Regional Executive Director ng DA RFO 5 at PRDP Project Director, na ang pagtitipon ay hindi lamang paglalahad ng malawakang plano o roadmap, kundi paglulunsad ng isang matatag na ugnayan (NEXUS) kung saan nagtatagpo ang pondo ng pamahalaan, pananaliksik ng akademya, at pamumuhunan ng pribadong sektor. Inaasahang ito ay makakatugon sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda, magsusulong ng mas matatag, modernong sektor ng agrikultura sa Bicol na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Dr. Mary Grace Rodriguez, PRDP Bicol Deputy Project Director, ang RAFIP ay magsisilbi hindi lamang bilang kasangkapan sa pagpaplano, at koordinasyon, na nagbubuklod sa mga prayoridad ng bawat lalawigan sa iisang portfolio. Naroon din si Dr. Maria Cristina F. Campita, PRDP 5 Procurement Head na mainit na tinanggap ang mga kalahok.
Tinalakay din ang mga prayoridad na programa at investment opportunities ng DA Bicol Banner Programs, Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Phil. Crops Insurance Corporation (PCIC). Naglahad ng kanikanilang programa ang Agricultural Training Institute (ATI) Bicol at Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) para sa knowledge and skill-based strategies. Hinggil naman sa produksyon at infra support ang inilahad ng Provincial LGU ng Masbate; at Department of Agrarian Reform (DAR); at tungkol naman sa enterprise and fund sourcing ang tinalakay ng mga kinatawan mula sa Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) bilang kanilang inisyal na ambag sa prime commodities na naaayon sa RAFIP. Nagbahagi din ng kanilang best practices si Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) South Luzon Manager Ogie Tatlongmaria at Eileen Kae Relao na pinuno ng ALEA Chocolates at Bonatrade, Inc.
Ayon naman kay Fr. Granwell Pitapit, kinatawan ng Agriculture Sector sa Bicol Regional Development Council (RDC), malinaw ang vision ng RAFIP na isang hakbang mula sa pagpaplano patungo sa co-creation. โLetโs not just build facilities; letโs build partnerships that ensure prosperity reaches the ground. My role is to ensure that as we “Take Flight,” we guarantee a soft landing for our farmers and fisherfolk,โ dagdag pa ni Fr. Pitapit.
Sa isinagawang NEXUS workshop, umabot sa 389 na programs, activities and projects (PAPs) commitment ang naging output ng mga kalahok kung saan pinakamarami ang sa mais โ 91 proyekto (40% ng kalahatan); palay-64 proyekto; pili-46; kamoteng kahoy-28; baboy- 42; cacao-41; abaca-40; dairy cattle-37. Batay sa data dashboard ng I-PLAN at sa NEXUS workshop synthesis na ginawa nila Robella Naldo, AMAD Marketing Specialist at John Jeric Batanes, I-PLAN Planning Officer, lumabas ng paulit-ulit sa walong commodities ang mga cross cutting na mga programa at aktibidad sa ilalim ng DA, Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Cooperative Development Authority (CDA), at DOST na nagsisilbing mga natural hubs ng koordinasyon, standardisasyon at scaling up ng mga mauunlad na proyekto.
Sa pagpirma sa pledge of commitment na nakasaad ay RAFIP Nexus: A Covenant for Bicolano Prosperity, pinagtibay ng mga ahensya, LGUs, FCAs, akademya, at iba pang stakeholders na naroon ang kanilang mainit na suporta sa RAFIP at pagtangkilik sa mga inihandang PRDP investment packages. Ito ay nangangahulugan na hindi lang konsultasyon ang nilahukan ng mga stakeholders, kundi sila ay naging mga co-investor.
โThe ‘Master Convergence Matrix’ we built today isn’t just a report for the World Bank or the DA Central Office; it is a contract with the people who feed this region.โ Ito ang pangwakas na mensahe ni Benedicto Palmares, Vice Chairperson ng Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Bicol. Hinikayat niya ang mga kalahok sa kanilang pag-uwi sa mga kani-kanilang sakahan at opisina, dala ang espiritu ng โNexusโ ay lumipad patungo sa iisang direksyon, patungo sa competitive, resilient at masaganang sektor ng agrikultura sa Bicol. (Isinulat ni Lovella P. Guarin at Shaira Enimedez, PRDP InfoACE 5)
