MANDAON, MASBATE – โ๐๐ง ๐ข๐ฏ๐ช๐ฎ๐ข๐ญ๐ด ๐ฅ๐ช๐ฆ ๐ฃ๐ฆ๐ค๐ข๐ถ๐ด๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ต๐ฉ ๐ฐ๐ณ ๐ฅ๐ช๐ด๐ฆ๐ข๐ด๐ฆ๐ด, ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฏ ๐ธ๐ฆ ๐ค๐ข๐ฏ ๐ณ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ด๐ช๐ต๐ถ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ง๐ฐ๐ณ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ณ ๐ฃ๐บ ๐ฃ๐ข๐ฏ๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฎ ๐ธ๐ฉ๐ช๐ญ๐ฆ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐บ’๐ณ๐ฆ ๐ด๐ต๐ช๐ญ๐ญ ๐ข๐ญ๐ช๐ท๐ฆ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ช๐ท๐ฆ.โ Ito ang naging pahayag ni Dr. Lilian P. Villamor, Head ng National Livestock Cryobank ng Philippine Carabao Center, sa isinagawang Ceremonial Signing of the Memorandum of Understanding for the Collaboration on Cryobanking and Cryogenic Preservation of Livestock nitong ika-17 ng Marso.
Ang kasunduan ay pinagtibay ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 (DA RFO 5), Philippine Carabao Center (PCC), Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology (DEBESMSCAT), at ng Provincial Local Government Unit (PLGU) of Masbate kaugnay ng layuning gawing CryoGene Network Hub ang probinsya, partikular ang Regional Carabao Breeding Center (RCBC) sa bayan ng Mandaon.
Bilang kinikilalang โCattle Capital of the Philippines,โ mahalaga para sa Masbate na mapanatili at higit pang mapaunlad ang industriya ng paghahayupan na nagsisilbing pangunahing haligi ng ekonomiya nito. Ayon kay Marianito A. Tesorero, Regional Livestock Program Coordinator, sa ipatutupad na sistema, tututukan ang pagsasanay ng mga Artificial Insemination (AI) Technicians, pagpili ng de-kalidad na genetic materials, at ang maayos na pamamahala at pag-iimbak nito gamit ang liquid nitrogen, sa tulong ng DA at PCC upang matiyak ang tuloy-tuloy na suporta at sapat na suplay para sa pangmatagalang paggamit.
Ang MOU signing ay ginawa sa Regional Carabao Breeding Center sa Mandaon, Masbate kung saan planong ilagay din ang naturang gene bank.
Ang proyektong ito ay inisyatiba ng Research Division sa pangunguna ni Dr. Maria Christina F. Campita, katuwang ang Livestock Program. Si Engr. Teodoro C. Eleda, OIC Chief ng Planning, Monitoring and Evaluation Division naman ang kumatawan kay Regional Executive Director Rodel P. Tornilla.
Samantala, nariyan naman ang DEBESMSCAT sa pangunguna ni Dr. Arnel Millesca na tutulong sa DA Bicol sa pananaliksik at ang lokal na pamahalaan sa mobilisasyon ng mga magsasaka at integrasyon ng programa sa kanilang development plans. Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Provincial Governor Hon. Atty. Ricardo T. Kho na buong puso at buong suporta ng PLGU ng Masbate ang nakalaan para sa proyekto, upang masiguro ang matagumpay nitong pagpapatupad.
Sa pamamagitan ng cryobanking at cryopreservation, napapanatili ang de-kalidad na lahi ng mga hayop at nagiging mas sistematiko ang pagpaparami gamit ang artificial insemination. Ito umano ay isang โgame changerโ para sa livestock industry dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga magsasaka na makagamit ng superior genetics nang hindi kinakailangang mag-alaga ng maraming barako.
Sa ilalim ng inisyatibang ito, matutugunan ang kakulangan sa access sa makabagong breeding technologies at mapapanatili ang mahalagang genetic resources ng mga hayop sa lalawigan.
Para sa mga magsasaka at cattle growers sa Masbate na bumubuo ng humigit-kumulang 70% ng populasyon ng probinsya, inaasahang magdudulot ito ng mas mabilis at produktibong paglaki ng kanilang alagang hayop, mas mataas na produksyon ng karne at gatas, at mas malaking kita. Higit sa lahat, ang proyektong ito ay magsisilbing seguridad para sa kinabukasan ng livestock industry sa Masbate, hindi lamang sa aspeto ng produksyon kundi pati sa pangangalaga ng biodiversity at kabuhayan ng mga magsasaka sa probinsya.
Ulat ni: Emie Jane B. Malonzo, DA RAFIS 5
Kuhang larawan nina: Zandra Abogado at Raymond Adversario, DA RAFIS 5
