QUEZON CITY – Sa ika-128 na anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka ay pinarangalan ang Department of Agriculture Regional Office 5 bilang TOP 2 Performer sa Cluster 1 sa katatapos na Performance Appreciation System (PAS) for Operating Units awarding ceremony.

Ang Cluster 1 ay binubuo ng 16 DA Regional Field Offices mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Personal na iginawad ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang plaque ng pagkilala kay Regional Executive Director Rodel P. Tornilla sa ginanap na National Management Committee Meeting nitong ika -24 ng Hunyo 2026 sa Bureau of Soils and Water Management.

Ang PAS ay ang opisyal na sukatan ng performance ng mga operating units ng Kagawaran batay sa kanilang physical accomplishments, financial performance, pagsunod sa mga pamantayan ng good governance, at client satisfaction rating.

Iniaalay ng DA Bicol ang parangal na ito sa ating mga magsasaka at mangingisdang Bicolano na patuloy na nagpupunyagi para sa Masarig na Agrikultural asin Mauswag na Bicolandia!

(RAFIS 5) Mga (Kuhang Larawan ng OSEC COMMS at AFID)