โA trusted, secured, and reliable cyberspace begins with responsible users like you.โ
Ito ang binigyang-diin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Bicol Engineer II John Peรฑaflor sa ginanap na Capacity Building on Cybersecurity Awareness, Ethical AI Integration, and Digital Productivity sa Department of Agriculture (DA) Bicol sa Pili, Camarines Sur noong ika-18 at ika-25 ng Hunyo ngayong taon.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at palakasin ang kakayahan ng mga kawani ng ahensya sa ligtas at mahusay na paggamit ng digital workspace. Pinangunahan ito ng DA Bicol Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED) Information and Communications Technology (ICT) Unit katuwang ang DICT Bicol. Ang dalawang araw na aktibidad ay nilahukan ng humigit kumulang na 100 kawani ng DA Bicol.
Ayon kay PMED OIC-Chief Engr. Teodoro Eleda, mahalaga rin ang pagsasanay upang maprotektahan ang mga kawani sa cybercrime at ang ahensya laban sa cyber attacks.
Tinalakay sa nabanggit na pagsasanay ang ilang mga prinsipyo sa cybersecurity partikular na ang Confidentiality, Integrity, at Availability (CIA) Triad upang maingatan ang mga impormasyon at sistema ng ahensya. Nagbahagi rin si Peรฑaflor ng ilang mga panuto upang mapaigting ang cybersecurity at makaiwas sa cyber threats tulad ng phishing, quishing, sim swap attack, at vishing. Nagbahagi rin siya ng ilang paalala sa paggamit ng Artifical Intelligence.
Aniya, โUse AI as a tool, not a crutch. Use it to assist, not replace your thinking.โ
Ipinaliwanag din ni Peรฑaflor ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, kabilang na ang mga gawain na itinuturing na paglabag sa batas tulad ng illegal access o hacking, illegal interception, data and system interference, misuse of device, identity theft, cybersex, at cyberlibel.
Bukod dito, nagbigay din siya ng ilang mga hakbang upang maiwasan ang mga cybercrime, matiyak ang epektibong pagpapatupad ng batas, at mapalakas ang kamalayan ng publiko sa pagsulong ng cybersecurity. (Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5)
