SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – Isang buwan makalipas ang pagsisimula ng DA Bicol ng pamamahagi ng Presidential Assistance for Farmers and Fishersfolk (PAFF) sa DA Compound noong April 22, 2026, ay umabot na sa 129,208 na magsasaka o 50 porsyento ng kabuuang target na 260,050 ang nabigyan na ng PAFFP cash assistance na nagkakahalagang P2,325.00.

Ayon kay DA Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla, aabot sa P300,408,600.00 na ang naipamahagi sa anim na probinsya ng Bicol. Pinakamalaki ang naipamahagi sa limang distrito ng Camarines Sur kung saan may kabuuang 53,233 magsasaka ang nakatanggap na ng kabuuang P123,766,725.00 cash assistance. Kasama rito ang 47,520 na magsasaka ng palay, 5,500 magmamais at 213 na magsasaka ng tubo.

Ito ay 92 porsyento ng target sa Camarines Sur na 65,140 magsasaka – 57,993 na magsasaka ng palay, 6,892 magmamais at 255 na magsasaka ng tubo na tatanggap ng kabuuang P151,450,500.00.

Samantala, sa tatlong distrito naman ng lalawigan ng Albay ay nakapamahagi na ng P44,739,975.00 para sa 19,243 magsasaka ng palay (17,896), mais (1,072) at tubo (275) o 50% ng kabuuang target na 38,510 na magsasaka.

Pumangatlo ang Masbate na may tatlong distrito kung saan nakapamahagi na ang DA Bicol ng P55,509,375.00 sa 23,875 magsasaka ng palay (16,401) at mais (7,474). Ito ay 70 porsyento ng kabuuang target na 33,975 magsasaka.

Sa 2 distrito ng Sorsogon naman ay nakatanggap na ang 16,360 magsasaka ng palay (16,333) at mais (27) ng aabot sa P38,037,000.00. Ito ay 69 porsyento ng kabuuang target na 23,961 magsasaka ng palay at mais.

Sa dalawang distrito ng Camarines Norte ay nakapamahagi na ang DA Bicol ng P23,275,575.00 cash assistance sa 10,011 magsasaka ng palay (9,936) at mais (75). Ito ay 95 porsyento na ang target na 10,493 magsasaka.

Habang sa Catanduanes ay nakatanggap na ang 6,486 na magsasaka ng palay ng kabuuang P15,079,950.00 o 94 porsyento ng target na 6,871 magsasaka.

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng PAFF sa mga magsasaka ng palay at mais na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang PAFFP ay programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture na pinondohan sa ilalim ng Republic Act 12314 o GAA upang agarang matulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo sanhi ng hidwaan sa gitnang Silangan. (Lovella P. Guarin)