LEGAZPI CITY, ALBAY – Nakiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol sa ginanap na Lingkod Bayani Run 2026 alas-kuwatro ng umaga ngayong Linggo, ika-13 ng Setyembre, sa Sawangan Park sa lungsod ng Legazpi.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas.
Tinatayang nasa 600 na mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor ang dumalo sa pagtitipon na naglalayong itaguyod ang pagkakaisa, kalusugan, at katapatan sa paglilingkod sa bayan.
Tema ng aktibidad ang “Stride as One, Serve the Nation” na naaayon sa pangkalahatang tema ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Komisyon ng Serbisyo Sibil na “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Civil Service Commission (CSC) Regional Office 5 Acting Regional Director Rosalinni V. Moneda ang mga kawani na nakilahok sa aktibidad. Binigyang-diin din niya na ang pagiging lingkod-bayan ay higit pa sa isang propesyon.
Aniya, “This is a celebration of public service, unity, and Filipino spirit of bayanihan… We are reminded that being a public servant is more than just the eight to 10 hours we spend in our workplaces. It is about taking care of our physical and mental well-being, building meaningful connections with our fellow public servants, and strengthening the sense of community that allows us to serve our people together.”
Pitumpong porsyento ng malilikom mula sa Lingkod Bayani Run ay ilalaan sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program ng CSC upang matulungan ang mga pamilya ng mga lingkod-bayan na nag-alay ng kanilang buhay sa serbisyo publiko.
Ulat at kuhang larawan ni: Annielyn L. Baleza, DA RAFIS
