Iginawad ang pagkilala sa Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program Region bilang isa sa mga Top Performing Regions sa isinagawang National Midyear Performance Evaluation Workshop ng DA-SAAD National Program Management Office (NPMO) sa Zamboanga City, Zamboanga Del Sur nitong Hulyo 27-31, 2026.

Sinuri sa aktibidad ang naging impact ng implementasyon ng 15 covered regions ng programa para sa unang kalahati ng taon. Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, ang SAAD Bicol ay nakapagsagawa ng 60 Social Preparation Training, 36 Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) Training, at apat (4) na Farmer Field School (FFS) sa mga identified beneficiaries ng programa. Kasabay nito ang pagbibigay ng mga livelihood interventions at projects kaugnay sa corn and cassava, high value crops, at poultry sa 60 Farmer Associations sa Masbate, Catanduanes, at Sorsogon.

Sa kabuuan, nakapagtala ang programa ng 86.19% performance rating, isang malaking hakbang patungo sa mas episyenteng paglilingkod sa mga magsasaka sa rehiyon.

Sa ikalawang semestre ng 2026, nananatiling nakatuon ang DA-SAAD Bicol sa pagpapatibay ng implementasyon at patuloy na ginagampanan ang tungkulin bilang kaagapay ng magsasaka ng rehiyon.

(Juan Paulo Quizana, SAAD Bicol PRDC Unit)