Namahagi ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol ng 𝐏𝟐,𝟑𝟐𝟓.00 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐟𝐨𝐥𝐤 (𝐏𝐀𝐅𝐅𝐏) sa mga kuwalipikadong magsasaka sa lungsod ng Ligao, Albay.
Humigit kumulang 700 kuwalipikadong magsasaka ng palay at mais ang nakatanggap ng naturang ayuda.
Kabilang din sa nabigyan ng PAFFP ngayong araw sa 𝐋𝐢𝐠𝐚𝐨 𝐆𝐲𝐦𝐧𝐚𝐬𝐢𝐮𝐦 ang mga kuwalipikadong magsasaka mula sa Guinobatan, Libon, Polangui, Oas, at Pioduran na hindi nakarating sa itinakdang araw ng payout sa kani-kanilang munisipyo.
Sa pamamagitan ng PAFFP, inaasahang maiibsan ang pinansyal na pasanin ng mga benepisyaryong magsasaka, mapapalakas ang kanilang kabuhayan, at matitiyak ang tuloy-tuloy na produksyon ng palay at mais sa rehiyon.
Bahagi rin ng programang ito ang pagsuporta sa seguridad sa pagkain ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sapat na suplay ng mga pangunahing produktong agrikultural at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa kabila ng krisis sa enerhiya na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan at iba pang mga hamong pang-ekonomiya. (Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5)
