SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR โ Hindi lang sa pagdalo sa mga meetings, pagsasalita sa ibaโt-ibang aktibidad ng DA Bicol at paglulunsad ng mga proyekto, kundi sa aktibong pagtugon sa mga isyu at rekomendasyon na inilatag ng nakaraang taong Farmer Regional Executive Directorโs (FRED) term. Ito ang naging highlight ng isang buwang panunungkulan ni RAFC Chairperson Claudia Esmeralda C. Honrado bilang 2026 FRED ng DA Bicol nitong buwan ng Mayo.
โWe continue to believe in your vision. The DA and the Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) Bicol share the same mission, and believes in the capacity of farmers to transform agriculture given the right support and opportunity.โ Ito ang naging pahayag ni RAFC Bicol Chairperson sa isinagawang Exit Conference nitong ika-31 ng Hulyo na dinaluhan ni Regional Technical Director for Research Lorenzo L. Alvina.
May ilang obserbasyon ang RAFC sa mga implementasyon ng programa ng DA Bicol tulad ng pagtutugma ng fertilizer discount voucher sa kabuuang sukat ng bawat sakahan at sa resulta ng soil testing.
Hiniling din ni Chairperson Honrado na sa susunod na termino ng FRED ay magkaroon din ng โWellness Day for Farmers & Fishersโ kung saan maaaring mabigyan sila ng libreng gupit, masahe, health check-up at iba pang โpampering activitiesโ para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon naman kay RAFC Vice Chairperson Benedicto Palmares, naging malaking pagkakataon sa kanila na makasalamuha ang mga kawani ng DA Bicol. โMaraming salamat po sa pag-involve sa amin sa buwan ng magsasaka. Ito ay naging daan upang macascade namin ang mga programa sa mga kasamahan naming magsasaka. Nakita namin ang bigat ng trabaho ninyo (mga empleyado ng DA), loaded po ang mga nasa opisina. Tinitingnan po namin kung saan kami pwede pang makatulong,โ dagdag pa ni VP Palmares.
Nagpasalamat naman si RTD Alvina sa mga volunteer officers and members ng RAFC Bicol sa kanilang boluntaryong paglilingkod at pagiging boses ng mga magsasaka at mangingisda. Aniya, nagpapasalamat ang DA Bicol sa pamumuno ni Regional Executive Rodel P. Tornilla sa RAFC 5 hindi lang sa monitoring ng mga proyekto at interbensyon sa mismong project sites kundi sa consistent attendance ng RAFC representative sa Bids and Awards Committee (BAC) Meeting na nagibigay ng dagdag na kredibilidad sa procurement process.
Matapos ang exit conference ay isinalin na muli ni RAFC Chair Honrado ang simbolismo ng panunungkulan sa Kagawaran kay RTD Lorenzo, at tinanggap din niya ang P50,000 tseke bilang honoraria sa pagiging FRED.
Saksi din sa Exit Conference si Planning Monitoring and Evaluation Division Chief Engr. Teodoro C. Eleda at RAFC Executive Officer Dr. Alvin J. Milan. Dumalo din ang mga Division Chiefs ng ahensya at ang mga Provincial AFC Coordinators ng anim na lalawigan ng Bicol kasama ang mga Sectoral Committee Chairpersons. (Lovella P. Guarin)
