Mahigit P17M ang kabuuang halaga ng mga proyekto at interbensyon na naipamahagi ng Department of Agriculture -Bicol bilang pakikiisa sa pambansang pagdiriwang ng Handog ng Pangulo Serbisyong Sapat para sa Lahat na ginanap ngayong Lunes, ika 14 ng Setyembre sa buong bansa.
Naging tampok sa sabayang Kadiwa ng Pangulo sa anim na lalawigan ng Bicol ang mga sariwa ang abot kayang produktong agricultural ng mga magsasaka. Pinilahan din ang Benteng Bigas kung saan nakabili ang 4,500 myembro ng vulnerable sectors sa buong Bicol. Umabot sa 900 bags ang nabenta sa isang araw na Handog ng Pangulo. Sa Cam. Sur – 50 bags, Naga City – 50 bags, Cam. Norte – 100 bags, Albay -150 bags, Sorsogon – 250 bags, Masbate – 100 bags, Catanduanes -200 bags ng NFA rice.
Namahagi din ang DA Bicol ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) P2,325.00 cash assistance sa 755 na magsasaka ng gulay at prutas (High Value Crops) at niyog (coconut) na rehistrado sa RSBSA – kung saan mahigit 100 na magsasaka ang nabigyan sa bawat probinsya. Ang initial distribution ngayong araw ay nakapamahagi ng halagang P1,755,375.00. Magpapatuloy ang distribution sa mga susunod na araw para sa target na 35,552 magsasaka ng High Value Crops, niyog at palay na mahigit 2 ektarya ang sinasaka.
Samantala, sa Camarines Sur, tumanggap ng P2M Kadiwa Financial Grant ang Bombon Iraya Farmers Agriculture Cooperative. May 1 unit Vacuum Pack Sealer at 1 unit Forage Chopper worth P 4.3M ang Kilomaon Integrated Farmers Association ng Sangay, Cam. Sur.
1 unit Multi-Commodity Processing Center naman na nagkakahalagang P4.3M ang tinanggap ng CVT Agri Resilient Farmers Incorporated ng Pamplona, Cam. Sur sa ilalim ng AMIA Program.
500 na magsasaka naman ng Milaor ang nakatanggap ng 1000 bags Certified Palay Seeds mula sa Rice Program. Ang 8 Municipal LGUs at Provincial LGU ng Camarines Sur ay tumanggap ng 100 bags yellow corn seeds; 550 bags inorganic fertilizer; 90 packs bio-fertilizer; 30 bottles pesticides at 4,000 bags soil ameliorants.
Mula naman sa HVCDP, namahagi ang DA Bicol ng 1,000 pieces of grafted pili at 300 kilograms organic fertilizer para sa 4 na grupo; at 60 sets garden tools na may kasamang 30 kgs lowland vegetable seeds (pole sitao, okra and pechay) para sa PLGU Cam. Sur.
Sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon, maliban sa PAFFP cash assistance, Benteng Bigas, at IEC materials, namahagi din ang DA Bicol ng mga grafted pili, organic fertilizers at garden tools at vegetable seeds sa mga municipal at provincial LGUs.
Sa kabuuan, naging makulay ang isang araw na Handog ng Pangulo, kung saan libo-libong mamamayan ang nakatanggap ng iba-ibang serbisyo mula sa mga ahensya ng gobyerno, hatid ng pamahalaan, sa ika-69 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. (Lovella P. Guarin)
