Nagdaos ng Kadiwa ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) Bicol sa bayan ng Bulan, Sorsogon ngayong araw. Tampok dito ang ibaโt ibang mga produkto ng humigit kumulang 17 mga magsasaka, farmers, cooperatives, and associations (FCAs), at mga benepisyaryo ng Young Farmers Challenge (YFC) program ng Department of Agriculture Bicol.
Bilang bahagi ng KNP, inilunsad din sa nabanggit na bayan ang programang Benteng Bigas Meron Na katuwang ang Food Terminal Inc., National Food Authority (NFA), at pamahalaang lokal ng Bulan, Sorsogon.
Ayon kay Patrocinio Collao I ng DA Bicol Agribusiness and Marketing Assistance Division, sa ilalim ng programa, maaaring makabili ng sampung kilong bigas na nagkakahalaga ng P20 per kilo ang mga kabilang sa vulnerable sectors tulad ng solo parents, senior citizens, persons with disabilities, jeepney at tricycle drivers, minimum wage earners, magsasaka, mangingisda, at mga kasapi sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
โMakakatulong po ito sa ating mga consumers, makakabili sila ng mura, affordable, at safe products. Ini-ensure po natin ang food safety ng ating mga ibinibentang produkto,โ ani Collao.
Isa sa mga nakabili ng benteng bigas ang solo parent at street sweeper na si Imelda Puro ng Brgy. San Vicente, Bulan, Sorsogon. Ayon kay Puro, malaking tulong sa kanya ang programa.
Aniya, โTuwang-tuwa ako kasi sampung kilo, matagal maubos. Salamat sa DA po, maraming salamat po kasi nakaginhawa kaming mahihirap.โ
Magpapatuloy ang pagbebenta ng benteng bigas at iba pang mga produkto sa Kadiwa ng Pangulo sa tapat ng Bulan Presidencia Brgy. Zone 4, Bulan, Sorsogon ngayong araw. (Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5)
