CABUSAO, CAMARINES SUR โ โHindi na po mabubulok ang aming palay, lalo ngayong tag-ulan. Napakalaking tulong po sa aming magsasaka itong Rice Processing System (RPS) II dahil may pagtutuyuan na kami ng palay, pwede na rin ipagiling at gawing bigas dahil may rice mill na.โ
Ito ang masayang pahayag ni Noel H. Dawal, Presidente ng Camagong San Vicente Farmers Irrigators Assn., Inc. nang tinanggap niya ang certificate of award para sa RPS II nitong ika-16 ng Setyembre sa inagurasyon ng P72M Rice Processing System II na ipinatayo ng Department of Agriculture -Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Rice Mechanization Component.
Ang Camagong San Vincente Farmers IA ay may 165 myembro na pawang nagsasaka ng palay na may kabuuang 282 ektaryang sinasaka. Kasama din sa mga benepisyaryo ng RPS II ang mga magsasaka sa District 1 ng Cam. Sur mula sa Del Gallego, Lupi, Ragay at Sipocot na may tinatayang 6,982 ektaryang palayan.
Ayon kay Engr. Geam Henry V. Reuyan, Acting Chief FMFOD, na kumatawan kay Philmech Director Dr. Dionisio G. Alvindia, ang RPS II na itinayo sa barangay Camagong, Cabusao ay may state-of-the-art multi-stage rice mill na may kapasidad na 2-3 toneladang bigas bawat oras. Mayroon ding pre-cleaner, de-stoner, huller, mist polisher, length grader, color sorter, blending tank, automatic packing machine for milled rice, rice hull bin, dust collection system, at air-conditioned control room. Mayroon din kasamang (5) recirculating dryers na gawa sa stainless steel at may dalawang heating systems, generator set, tools, and other accessories. Ang bawat recirculating dryer ay may 6-ton per batch drying capacity, kung kayaโt kayang magtuyo ng 30,000 kilong palay o 600 sako sa loob ng 8-10 oras.
Ayon kay Christian Carillo ng DA- Philmech, ang RPS sa Cabusao ay ika-14 na naipatayo ng Philmech sa Bicol. Sa Phase 1 ay may naitayong 3 RPS sa Albay; 4 sa Camarines Sur; 1 sa Masbate at 3 sa Sorsogon. Sa Phase 2, ay nakaplano na ang itatayo sa Catanduanes at Camarines Norte, dagdag pa ni Carillo.
Malaking tulong ang mga RPS sa produksyon ng bigas sa Bicol dahil nababawasan nang malaki ang postharvest losses, lalo sa panahon ng tag-ulan, mas napapataas din ang kalidad ng bigas, at mas tataas ang kita ng mga magsasaka.
Samantala, iginawad naman ng DA Bicol Rice Program ang 1 unit hauling truck na nagkakahalagang P2.7M sa Pandan Nuestra Salvacion Irrigators Association. Nabigyan din ang mga magsasaka ng inorganic fertilizers.
Mayroon ding inilaan ang HVCDP na assorted vegetable seeds para sa mga magsasaka; vegetable seeds, garden tools, knapsack sprayers at laminated sacks para naman sa LGU Cabusao.
Samantala, ang BFAR ay namahagi din ng set of kitchen utensils and equipment for fermentation sa mga Samahan ng Mangingisda ng Castillo at Pandan.
Ang inagurasyon ay nasaksihan din ni Cam. Sur 1st district Congressman Tsuyoshi Anthony G. Horibata; Cabusao Mayor Jose A. Aguilar, Jr; DA Bicol RTD for Research and Regulations Lorenzo L. Alvina; Field Operations Division OIC Chief Earl Vincent Vegas; RAED Chief Engr. Jerry Eboรฑa; BFAR Regional Director Ariel Pioquinto; Municipal Agriculturist Joey Moral; DTI Cam. Sur Director Jay Percival Ablan at mga magsasaka at mangingisdang makikinabang sa mga proyekto. (Lovella P. Guarin) (Photo Credit: Jun Collantes & Raymond Adversario)
