PILI, CAMARINES SUR โ€” Umabot sa mahigit โ‚ฑ17.9-M ang kabuuang halaga ng mga makinaryang pang-saka na ipinagkaloob ng Department of Agriculture Bicol (DA Bicol) Corn Program katuwang ang Regional Agricultural Engineering Division (RAED), sa 24 na Farmersโ€™ Cooperatives and Associations (FCAs) at isang LGU sa Bicol nitong ika-30 ng Hulyo.

Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng mga samahan ng mga magsasaka ng mais mula sa apat na lalawigan sa rehiyon. Sa Albay, kabilang sa napagkalooban ang Calpi Farmers Association; Macalidong Corn and Vegetable Farmers Association; Tula-Tula Pequeno Farmers Agriculture Cooperative; Polangui Corn Cluster Farmers Association, at ang Pioduran Corn Cluster Association Inc. Sa probinsya ng Camarines Norte, ang mga nakatanggap ay ang Camarines Norte Integrated Farmers Agriculture Cooperative kasama ang Daet Corn Growers Association. Mula sa Camarines Sur, nabigyan naman ang Balatan Corn Farmers Association; Taisan Agrarian Reform Beneficiaries and Farmers Association (TARBFA) Inc.; Quinale Farmers Association; Pinada Corn Farmers Association; Lugsad Upland Farmers Association; Tomagodtod Farmers Association; Aniog Farmers Association; Danawin Corn Growers Association Inc.; Sto. Niรฑo Ocampo Farmers Association; Comaguingking Farmers Association; Pagluwas Planters Association Inc.; Nabua Corn Cluster Farmers Association Inc.; Libod Agta-Tabangnon Indigenous People Producers Cooperative; San Rafael (SANCRISANTA) Corn Farmers Agriculture Association; Saglodab Corn Farmers Association; Sagnay Cassava Growers and Farmers Association Inc.; at ang LGU Calabanga. Samantala, sa probinsya ng Sorsogon, kabilang sa nakakuha ang Sorsogon Castilla Farmers and Fishersfolks Agriculture Cooperative.

Ilan sa ipinamahaging mga makinarya ay ang Corn Husker Sheller, Pump and Engine Set for Open Source (PISOS), Hammer Mill, Silage/Forage Chopper, Heavy Duty Four-Wheeler Trailer, Disc Plow, Trailing Disc Harrow, Cassava Granulator, Rotavator/Power Tiller, 3-Bottom Furrower, at Cassava Chipper.

Inaasahang magiging mahalagang suporta ang mga makinaryang ito upang higit pang mapalakas ang mekanisasyon sa produksyon ng mais. Makatutulong din ito upang mapadali at mapanatiling napapanahon ang mga gawain sa pagsasaka sa kabila ng mga hamong dulot ng pabago-bagong kondisyon ng panahon.

Ulat ni: Emie Jane Malonzo, DA RAFIS 5

Kuhang larawan ni: Zandra Abogado, DA RAFIS 5