MASBATE โ€” Pinalalawak ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) ang mga oportunidad para sa mga komunidad sa Masbate sa pamamagitan ng 2-araw na Mango Processing Training. Aabot sa 46 na mango growers mula sa mga AMIA Villages sa Mandaon at Uson ang nagsanay.

Sa pagsasanay, natutuhan ng mga kalahok ang food safety, processing at preservation techniques upang mabawasan ang nasasayang na ani at mapataas ang halaga ng kanilang produkto. Kabilang dito ang pagproseso ng mangga bilang mango jam at burong mangga. Para kay Ma. Jasmin I. Ros, isang AMIA beneficiary, mahalaga ang mga bagong pamamaraan na natutuhan nila dahil maaari itong magamit sa kanilang sariling ani. โ€œMalaking bagay po ang training dahil may mga bagong natutuhan kami sa pagproseso. Maganda ang kalidad ng mangga namin dito sa Masbate, kaya malaking tulong na malaman namin kung paano ito mapo-proseso at mapapakinabangan nang mas matagal,โ€ ani Ros.

Pinangunahan ni Ian Darrell D. Bordon ng Regional Food Laboratory ang pagsasanay, katuwang ang Municipal Agriculture Offices ng Mandaon at Uson at AMIA Technical Staff. Sa pamamagitan ng mga natutuhang kasanayan, nagkakaroon ang mga magsasaka ng dagdag na paraan upang mapakinabangan ang kanilang aniโ€”mula sa sariwang mangga hanggang sa mga produktong maaaring mapatagal ang shelf life at magkaroon ng dagdag na halaga, na nagbubukas ng panibagong oportunidad para kabuhayan ng mga AMIA villages.