โ€œSa farming and fishing, mostly kababaihan ang nasa harong, nag-aataman nin aki, nagluluto, nagtatanom, nag-aalaga kan si mga alagang hayop. Mas dakol an ginigibo nindo kumpara sa mga lalaki. Pero sa ngonian na panahon, nagbago na. Sabay sabay na kita. Sa ngonian na panahon dae kamo nasa likod, ang connotation ang lalake pirming nasa enotan. Sabay kita, partner kita. Moving forward.โ€

Ito ang binigyang-diin ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo sa kanyang pagdalo sa Women Employeesโ€™ Day Celebration sa DA Bicol noong ika-30 ng Marso ngayong taon.

Kinilala rin niya ang suporta ng lahat ng kababaihan sa sektor ng agrikultura mula sa mga pinuno at empleyado ng ahensya pati na rin ang mga magsasaka at mangingisda, at agripreneurs. Hinimok din niya ang mga ito na patuloy na magtulungan sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya na naglalayong solusyunan ang mga hamon na kinakaharap ngayon ng sektor.

Nagpaabot naman ng kanyang mensahe si DA Lady Employeesโ€™ Association (DALEA) President at DA Bicol Human Resource Management Section Chief Janet M. Pasamba kung saan ipinaliwanag niya ang tema ng pagdiriwang na โ€œLead Like the Babaylans, Filipinas!โ€

Aniya, โ€œThis theme reminds us of the strength, wisdom, courage, and leadership of Filipino women. Like the babaylans of the past, women today continue to guide, inspire, and empower others in their families, workplaces, and communities. As women, we are not only supporters but we are also leaders.โ€

Tampok din sa programa ang pagtalakay sa Republic Act (RA) 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995 at RA 11313 o Safe Spaces Act na pinangunahan ni Assistant Chief for Women and Children Protection Desk Police Senior Master Sergeant Salve Lanzuela Nacion ng Nabua, Camarines Sur Municipal Police Station.

Nagbigay-sigla rin sa pagtitipon ang ginanap na Search for Mr. and Miss Purple kung saan tinanghal na panalo sina Regional Agricultural Engineering Division (RAED) Chief Engr. Jerry A. Eboรฑa at Regional Rabies Program Coordinator Dr. Rona P. Bernales.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni DA Bicol Research Division Chief at Chairperson ng Committee on Decorum and Investigation (CODI) Dr. Maria Christina F. Campita ang Gender and Development (GAD) Focal Point System at ang DALEA sa pagsasagawa ng aktibidad na naglalayong isulong ang ligtas na lugar ng trabaho para sa lahat. Siniguro din niya na handang umagapay ang CODI sa mga kababaihang biktima ng paglabag sa nabanggit na mga batas.

Ang Women Employeesโ€™ Day Celebration ay bahagi ng pakikiisa ng DA Bicol sa pambansang pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan tuwing Marso na naglalayong kilalanin ang mahalagang papel at kontribusyon sa lipunan at itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan. Ang taunang selebrasyon na ito ay pinangungunahan ng GAD sa pamumuno ng Regional Focal Person na si Alvin J. Milan at ng kanyang mga kasamahan. Nakilahok rin sa selebrasyon sina DA Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla, Regional Technical Director for Operations Dr. Mary Grace DP. Rodriguez, at iba pang mga miyembro ng GAD Focal Point System sa Bicol kabilang na ang ilang mga opisyal at kinatawan mula sa Agricultural Training Institute (ATI), National Meat Inspection Service (NMIS), Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), Bureau of Plant Industry-National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS), Bureau of Animal Industry (BAI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). (Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5)

Mga kuhang larawan ni Zandra G. Abogado, DA RAFIS 5