โKapag si farmer ay mag-isa, limitado ang kanyang posisyon at akses sa buyer, pero pag sila po ay nagsama-sama, lumalakas po โyung collective position nila sa merkado.โ
Ito ang binigyang-diin ni Karren Belen, Business Development Officer ng Department of Agriculture (DA) Bicol Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) sa isinagawang Training on Agro-Enterprise Clustering Approach (AECA) noong ika-6 ng Hulyo 2026 sa Pili, Camarines Sur. Nilahukan ito ng mga opisyal at miyembro ng Pilinio Federation of High Value Crops Growers Inc.
Layunin ng aktibidad na ituro sa mga kalahok ang mga konsepto, balangkas, at batayan ng Agro-Enterprise Clustering Approach (AECA). Ayon kay DA Philippine Rural Development Project (DA PRDP) Enterprise Development (I-REAP) Component Head Patrocinio Collao I, ang AECA ay isang estratehiya na binuo at pinalaganap ng Jollibee Group Foundation, Xavier University, at Catholic Relief Services na ipinatutupad ng F2C2 at DA PRDP Scale-Up sa mga proyekto ng I-REAP na pinondohan nito.
Ani Collao, ito ay bilang paghahanda sa pagsasaoperasyon ng Pilinio Taro Production, Drying, and Marketing Enterprise at upang maging organisado at sistematiko ang pagtatanim at pag-ani ng taro. Dagdag pa ni Collao, hangarin din nito na tiyakin na magiging sustenable ang proyektong ipinagkaloob ng DA PRDP sa grupo.
Tinalakay sa aktibidad ang unang hakbang sa 8-Step AECA process na Formation of Basic Cluster at ang pagpapatupad nito sa pagbuo ng mga cluster-based enterprise. Upang mapalakas ang sama-samang pamamahala at pagpapaunlad ng agri-negosyo, pinangasiwaan din ni Belen katuwang si Engr. Debbie Pante, F2C2 Organizational Development Officer ang partnership mapping. Ito ay upang matukoy ang mga posibleng partner o stakeholders, ilarawan ang kanilang papel, kakayahan, at ambag, at ma-organisa kung paano sila makakatulong sa proyekto.
Ayon naman kay Henry Pandes, presidente ng Pilinio Federation of High Value Crops Growers Inc., naging makabuluhan ang kanilang AECA Training.
โMalaking pasasalamat kasi malaking tulong po ito sa implementation ng aming project. Kumbaga, organized na kami pero magiging lalong organized ang aming takbo. Magkakaroon ng direksyon kung saan kami pupunta para may kaayusan ang aming negosyo. Maraming salamat po sa F2C2 at sa DA PRDP,โ ani Pandes. (Annielyn L. Baleza, DA PRDP RPCO 5 InfoACE/DA RAFIS 5 InfoACE)
