SAN JOSE, PILI, CAMARINES SUR โ€“ Pinangunahan ni DA Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla at National Meat Inspection Service V Regional Technical Director Dr. Alex Templonuevo ang ground breaking ceremony ng P210 milyon NMIS RTOC V Regional Meat Laboratory and Administrative Building sa lupang kinatatayuan ngayon ng NMIS sa Airport Road.

Ayon kay Director Rodel P. Tornilla, โ€œang itatayong 3-storey laboratory ay dedicated sa lahat ng meat stakeholders para masiguro ang food safety at food security sa rehiyon.โ€

Pinasalamatan naman ni NMIS OIC Executive Director Randy Lontoc si Director Rodel Tornilla na naging susi upang mabigyan ng pondo ang laboratory; ang Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) sa pagbibigay ng lugar na pagtatayuan ng pasilidad at ang Technical Working Group na nagplano, kasama ang partner agencies at LGU na naging bahagi ng napakahalagang milestone ng NMIS.

โ€œHindi lamang ito pagtatayo ng modernong building, kundi hudyat din ito ng simula ng mas pinalakas na serbisyo ng National Meat Inspection Service (NMIS) V para sa meat industry at upang masiguro na ang bawat karne na kakainin ng pamilyang Bicolano ay ligtas, dekalidad at dumaan sa pagsusuri,โ€ saad pa ni Director Lontoc.

Ayon naman kay Dr. Templonuevo, ang laboratory ay magiging malaking suporta sa mga meat consuming public at higit sa mga meat establishments na accredited ng NMIS at taun-taon na sumasailalim sa inspection at audit para sa kanilang compliance sa Good Manufacturing Practices at Sanitation Standard Operating Procedures.

Dagdag pa ni Dr. Templonuevo, kabilang sa makikinabang sa pasilidad ang 10 slaughterhouses, walong poultry dressing plant, apat na meat cold storages, tatlong meat cutting plant, at anim na meat distribution centers na matatagpuan sa buong Bicol at pawang accredited ng NMIS V.

Pansamantalang lilipat sa DA Regional Office compound sa San Agustin, Pili and pamunuan at kawani ng NMIS V simula sa Agosto upang bigyang daan ang construction ng nasabing Regional Meat Laboratory na tinatayang aabutin ng 12 buwan. (Lovella P. Guarin โ€“ DA RAFIS 5) (Photo credit: Eduardo Collantes, Jr.)