โDati sa balon kami umiigib ng tubigโhindi namin alam kung malinis ba talaga ito. Kapag iinom kami, kailangan pa naming bumili ng tubig. Pero ngayon na mayroon nang Potable Water System dito, kampante na kami na malinis at ligtas ang tubig na ginagamit at iniinom namin.โ
Ito ang pahayag ni Imelda Obniala, isa sa mga benepisyaryo ng Level II Potable Water System (PWS), sa isinagawang Operation and Maintenance Audit System (OMAS) ng Department of Agriculture โ Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) sa bayan ng Polangui, Albay.
โDati sa balon kami umiigib ng tubigโhindi namin alam kung malinis ba talaga ito. Kapag iinom kami, kailangan pa naming bumili ng tubig. Pero ngayon na mayroon nang Potable Water System dito, kampante na kami na malinis at ligtas ang tubig na ginagamit at iniinom namin.โ
Ito ang pahayag ni Imelda Obniala, isa sa mga benepisyaryo ng Level II Potable Water System (PWS), sa isinagawang Operation and Maintenance Audit System (OMAS) ng Department of Agriculture โ Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) sa Polangui, Albay.
Ang OMAS ay idinisenyo upang masusing masuri ang Functionality and Usage, Operational Efficiency, Sustainability, Documentation and Accountability, at Institutional and Environmental Status ng proyekto, lahat ay may layuning tiyaking tuloy-tuloy at episyente ang serbisyo nito sa komunidad.
Ang Level II PWS ay may 644 tapstand na pinagkukunan ng malinis at ligtas na tubig ng 4,342 kabahayan . Isang malaking hakbang ito sa pagpapabuti ng kalusugan at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente, lalo na sa mga pamilyang dati ay hirap sa pagkuha ng maayos na suplay ng tubig.
Pinangunahan ng Regional Operations and Maintenance Audit Team (ROMAT) ang aktibidad, katuwang ang Monitoring and Evaluation Learning (MEL) Unit, Social and Environmental Safeguards (SES) Unit, Finance Unit, at Geomapping and Governance Unit (GGU). Ang komprehensibong ebalwasyon ay naglalayong tiyakin na ang pasilidad ay nananatiling matibay, mahusay na pinapatakbo, at may kapasidad na magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mahabang panahon.
Bilang bahagi ng proseso, nagsagawa rin ng pagpupulong ang ROMAT kasama ang MPMIU Polangui na pinangunahan ni Mayor Jesciel Richard Salceda at mga Barangay Officials na kasapi ng Barangay Water and Sanitation Associations (BAWASA) upang ilahad ang resulta ng pagsusuri at magbigay ng mga rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng proyekto.
Mahalagang bahagi ang OMAS sa pagtitiyak na ang mga imprastraktura sa ilalim ng PRDP ay tunay na napapakinabangan at napapanatili ang mahusay na operasyon. Ang mga natuklasan mula sa audit ay gagamitin bilang batayan sa pagpapalakas ng operasyon at paghahanda ng mga hakbang para sa pangmatagalang pagpapatatag ng Potable Water System.
Patuloy namang isinusulong ng PRDP, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang yunit, ang pagpapaunlad at responsableng pamamahala ng mga imprastraktura sa kanayunanโbilang bahagi ng misyon nitong itaas ang kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. (Shaira Enimedez, PRDP Bicol InfoACE)
