Sa patuloy na pagsusulong ng kampanyang βPalay, Bigas, Kaninβ huwag sayangin,β makulay at matagumpay na ginanap ngayong araw ang National Rice Awareness Month (NRAM) Grand Kick-Off Activity sa pangunguna ng Department of Agriculture Bicol (DA-Bicol) Rice Program. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at Agricultural Training Institute (ATI) Bicol. Layunin ng selebrasyon na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng bigas at ang tungkuling makiisa sa mas responsableng pagkonsumo nito.
Nakaangkla ang pagdiriwang sa pambansang temang βBe RICEponsibleβ, na nagbibigay diin sa mas malusog, matipid, at responsableng paraan ng pagkain ng bigas; ang pagpili ng lokal na produkto; at ang pag-iwas sa pag-aaksaya ng mga ito.
Tampok sa programa ang 11 exhibitors na nagdala at nagbenta ng kani-kanilang lokal na produkto partikular na ang mga rice-based delicacies at processed rice commodities.
Naging pangunahing bahagi ng selebrasyon ang Be RICEponsible Pledge o Panatang Makapalay, kung saan sabay-sabay na nangako ang mga kalahok na magiging responsable sa kanilang konsumo ng bigas; susuporta sa lokal na produksyon; at pahahalagahan ang bawat butil ng bigas mula sa bukid hanggang hapag. Pinangunahan ito nina Miss Bicolandia 2025, Iris Oresca at content creator, Audrey Alexandra Villa.
Sentro rin dito ang adbokasyiyang ABKD, na tumutukoy sa mga hakbang tungo sa mas responsableng pagkain ng bigas: A- Adlay, mais, saba atbp. ay ihalo sa kanin; B- Brown rice at iba pang masusustansyang kanin ay kainin; K- Kanin ay huwag sayangin; D-Dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin.
Dinaluhan ang selebrasyon ng mga katuwang na ahensya kabilang ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM); Fertilizer and Pesticide Authority (FPA); Bureau of Plant IndustryβNational Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS); Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech); Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), at Philippine Statistics Authority (PSA). Nakiisa rin sa pagtitipon ang ilang private seed companies, mga unibersidad, at iba pang rice stakeholders.
Ulat ni: Emie Jane Malonzo, DA RAFIS 5
Kuhang larawan ni: Zandra Abogado, DA RAFIS 5
