NAGA CITY โ€“ โ€œPara sa F2C2, isa sa pinakamahalagang sukatan ng tagumpay ay kapag ang mga clusters ay naging big brothers sa kanilang mga komunidad. Kaya ang nais nating transformation ay mula sa pagiging beneficiaries maging partners, mula sa partners maging enterprises, at mula sa successful enterprises ay maging big brothers ng iba pang farmers and fisherfolks.โ€

Ito ang mensahe ni Dr. Hazel B. Alfon, Program Director ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) na inihatid ni Dr. Annray V. Rivera, F2C2 Deputy Program Director mula sa DA Central Office, sa pagbubukas ng 2nd Regional Cluster Summit ng Department of Agriculture Bicol sa Robinsons Naga nitong ika-19 ng Agosto. .

Ayon pa kay Dr. Alfon, malayo na ang narating ng Bicol Region sa farm clustering na ngayon ay mayroon ng 178 farmer clusters, na suportado ng 117 Cluster Development Plans, at may kabuuang area na 23,450.81 ektarya na pagmamay-ari ng 22, 653 magsasaka at mangingisda.

Umabot sa 50 exhibitors ang lumahok sa Cluster Summit. Tampok sa tatlong araw na trade fair at exhibits ng mga produkto ng mga Farmers Cooperatives and Associations na kabilang sa F2C2, NUPAP, Special Area for Agricultural Development (SAAD), organic agriculture practitioners, mga benepisyaryo ng 4Ks, AMIA, Young Farmers Challenge ng AMAD, at Agricultural Training Institute (ATI).

Ayon naman kay DA Bicol Regional Executive Rodel P. Tornilla, ang diwa ng F2C2 ay mapalakas ang produksyon, pagproceso ng mga produkto, at mapalawak ang pagnenegosyo ng mga magsasaka. Kaakibat ng DA 5 F2C2 program sa pamumuno ni Marilene Dimaculangan, ang Cooperative Development Authority (CDA); DA โ€“ Agribusiness and Marketing Assistance Division, at Agricultural Cooperative Enterprise Development Division (ACEDD).

Higit sa pagtitipon at plenary sessions, ang 2nd Regional Cluster summit na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga FCAs ay isang oportunidad upang mas mapalakas at mapalawak ang kanilang market linkage, mas mapalalim ang agribusiness partnerships, at makakuha ng direktang koneksyon sa mga institutional buyers, pribadong sektor at iba pang stakeholders.

Magtatagal ang trade fair at plenary sessions hanggang Biyernes at may mga pakulo din na inihanda ang DA Bicol. Inaanyahan ang publiko na tangkilikin ang mga lokal na produkto, dahil sa bawat pagbili nila ay may kabuhayang masusuportahan. (Lovella P. Guarin , Mga Kuhang Larawan ng DA RAFIS 5)