May naitalang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) virus sa Iriga City (Barangays La Purisima, Santiago at La Trinidad); at sa Naga City sa Barangay Carolina; at maging sa Nabua sa Barangay Lourdes Old – lahat sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ang mga blood sample na naisumite ng mga nasabing LGUs ay sinuri sa DA Bicol Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) sa pamamagitan ng Real-time PCR for ASF at nakumpirmang positibo sa ASF virus.
Sa ngayon ay nakapag-depopulate na, nagsasagawa na rin ng surveillance at monitoring sa mga nasabing barangay. Ipinatutupad din ang istriktong biosecurity measures, paglilinis at pag-disimpekta ng mga kulungan ng baboy.
Inabisuhan na din ang mga naturang LGU na magpatupad ng border control at restriction ng hog movement.
Ang Department of Agriculture sa Bicol katuwang ang Bureau of Animal Industry (BAI), National Meat Inspection Service (NMIS), at LGUs ay mahigpit na nagpapatupad ng biosecurity measures para mapigilan ang pagkalat ng ASF sa rehiyon.
Mag-ingat sa mga FAKE NEWS na kumakalat sa Social Media. Manatiling naka-follow sa Department of Agriculture – Bicol FB Page para sa mga opisyal na anunsyo.


