Nakiisa ang Department of Agriculture Bicol sa pagdiriwang ng World Bamboo Day ngayong ika-18 ng Setyembre sa pamamagitan ng pagtatanim ng iba’t ibang barayti ng kawayan sa Central Bicol Experiment Station (CBES) Production Area sa Pili, Camarines Sur.

Nakilahok din ang Albay Research and Development Center (ARDC) at Sorsogon Dairy Production and Technology Center.

Kabilang sa mga itinanim na bamboo varieties ang Beema, Kawayan Tinik, at Giant Bamboo, na bahagi ng isinusulong na bamboo development initiatives ng Kagawaran sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP).

Isinagawa ang aktibidad kasabay ng mga bamboo planting activities sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon at sa buong bansa bilang bahagi ng sabay-sabay na pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month ngayong buwan.

Ulat ni: Emie Jane Malonzo, DA RAFIS 5

Kuhang larawan ni: Angela Mae Lafuente, DA RAFIS 5