Nakipagtulungan ang DA Bicol Livestock Program sa DAโ€“Philippine Carabao Center (DA-PCC) at mga katuwang na Local Government Units (LGUs) sa Camarines Sur at Albay sa isinagawang pangangalap ng blood at feather samples mula sa mga piling Camarines native chicken.

Ang aktibidad ay bahagi ng research project na โ€œApplication of Biotechnology: Innovations for Genetic Resource Conservation and Sustainable Production (DABIOTECH-R2505),โ€ na pinamumunuan ni Scientist I Lilian P. Villamor ng National Livestock Cryobank, Research and Development Division, DA-PCC, bilang Project Leader. Layunin ng proyekto na mapangalagaan ang mahahalagang genetic resources ng mga katutubong manok sa bansa sa pamamagitan ng genetic profiling, cryopreservation, at iba pang makabagong biotechnology techniques.

Sa Bicol Region, isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng DA Bicol Research group sa pangunguna nina Lorenzo L. Alvina, Regional Technical Director for Research and Regulations, at Dr. Ma. Cristina Campita, Chief ng Research Division, na naging katuwang ng DA-PCC sa implementasyon ng proyekto at pagsasagawa ng field collection activities sa Camarines Sur at Albay.

Sa isinagawang field activities, kinolekta ang blood at feather samples mula sa mga piling Camarines native chicken upang masuri ang genetic diversity ng kanilang lahi at matukoy ang mga natatanging katangian nito. Ang mga impormasyong makakalap ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagbuo ng mga estratehiya para sa konserbasyon, pagpapahusay ng breeding programs, at pangmatagalang pangangalaga sa Camarines native chicken.

Inaasahang magiging malaking ambag ang proyektong ito sa pagprotekta ng lahi ng Camarines native chicken, laban sa pagkawala ng kanilang natatanging genetic traits dulot ng hindi kontroladong crossbreeding, at pagpapalakas ng mga programa sa genetic resource conservation. Higit sa lahat, magbibigay ito ng matibay na pundasyon para sa pagbuo ng mas mahusay na breeding strategies, pagpapataas ng produktibidad ng katutubong manok, at paglikha ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan ng mga magsasaka at poultry raisers sa Bicol at iba pang bahagi ng bansa.

(Ulat ni JOMARIE B. LOZADA โ€“ ARDC / Kuhang larawan ng DA-PCC)