LIBMANAN, CAMARINES SUR – โ€œDati po nagtatanim kami ng mga inbred na variety tapos po โ€˜yung iba kinukuha po namin sa dinadalhan po namin ng aming produkto na mga private traders. Doon po kami kumukuha ng pang-abono namin. Ngayon po, nang magkaroon po ng model farming, malaking tulong po ito sa amin kasi mulaโ€™t simula po sa pag-apply po namin ng abono ay bigay po lahat sa amin ng DA region. Kaya po malaking pagbabago sa aming pagsasaka sa ngayon.โ€

Ito ang ibinahagi ni Cesar Adan, presidente ng San Pedro Labao Irrigators Association Inc. sa Brgy. Labao, Libmanan, Camarines Sur.

Kabilang ang kanyang grupo sa tatlong clusters sa Bicol, sa panahon ng tag-ulan, na nabenepisyuhan ng proyektong Scalable Hybrid Rice Model Farm ng Kagawaran ng Pagsasaka sa rehiyon.

Saklaw ng proyekto ang humigit-kumulang 500 ektarya ng palayan at naglalayong tugunan ang mga hamon sa produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapalaganap ng mga teknolohiyang angkop sa lokal na kondisyon, climate-smart, at nakaugnay sa buong value chain ng palay.

Kasama rin sa mga benepisyaryo ng programa sa lalawigan ng Camarines Sur ang Calabanga Division B. Irrigators Association Inc. sa Sto. Domingo, Calabanga at San Vicente Balingbing Irrigators Association sa Ocampo.

Maliban sa farmer briefings at capacity-building activities, tumanggap din sila ng mga binhi, biofertilizer, at mga materyales para sa pangangalaga ng pananim, pagsusuri at pag-aanalisa ng lupa, at pagsubaybay mula sa DA National Rice Program (NRP) katuwang ang Rice Crop Protection Center (RCPC), Regional Soils Laboratory, at National Irrigation Administration (NIA). Samantala, tinalakay naman sa kanila ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) ang Regional Seasonal Climate Outlook and Advisory. Nagbigay din ang AMIA ng ilang paalala upang mabawasan ang pinsalang dulot ng El Niรฑo.

Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng serbisyong pang-agrikultura gamit ang drone para sa mas mahusay na pagsasabog-tanim at paglalagay ng foliar fertilizer at biofertilizer.

Gamit ang makabagong kagamitan, pamamaraan, at teknolohiya sa produksyon ng hybrid na palay, gayundin ang digital na sistema para sa pagsubaybay at pamamahagi ng mga input sa produksyon, layunin ng proyektong Scalable Hybrid Rice Model Farm na ipakita na kayang makamit ng mga model farm cluster ang ani na 6.5 hanggang 8 metriko tonelada bawat ektarya sa wet season at 8 hanggang 10 metriko tonelada bawat ektarya sa dry season. (Ulat at kuhang larawan ni: Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5)