“Napakalaking tulong po itong farm to market sa aming mga farmers napapadali po ang aming proseso sa pagdala ng aming mga produkto papuntang market na dati inaabot kami ng oras ngayon 30 minutes na lang maximum na po yun.”
Ito ang pahayag ni Isidora Oriola, Pangulo ng BAFC ng Lupi, Camarines Sur sa ginanap na Inagurasyon at Pormal na Turnover ng 4.70 kilometrong Bulawan Jr. to Bangon Farm-to-Market Road noong ika-20 ng Hunyo 2025. Tinatayang higit sa 411 na pamilya ang makikinabang sa nasabing proyekto.
Ang proyektong ito ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ay naglalayong bigyang-ginhawa ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto patungo sa mga pamilihan. Bukod sa pagbawas ng oras sa pagbiyahe at gastos sa transportasyon, inaasahan ding tataas ang kita ng mga magsasaka kasabay ng lokal na ekonomiya.