SAAD MASBATE | Isinagawa ang huling dalawang batch ng Off-season Vegetable Production training ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program para sa mga benepisyaryo nito sa Ticao Island, Masbate nitong nakaraang Hulyo 16-17, 2025.
Kabilang sa mga nagsanay ukol sa proper crop selection, soil preparation, pest and disease management at iba pang mga paraan sa sa crops production sa kabila ng pagbabago-bago ng klima ang mga miyembro ng Progreso Farmers Association mula sa San Fernando at Cañares Rural Improvement Club mula Baleno.
Ang Off-season Vegetable Production Training ay parte ng Food Production and Livelihood component ng SAAD. Bahagi rin ito ng pagtugon ng kagawaran sa kakulangan sa suplay ng gulay sa panahon ng tagtuyot o tag-ulan. Layunin din ng training na ito na itaas ang kita ng mga magsasaka para sa buong taon.
Samantala, nauna nang lumahok sa nasabing pagsasanay ang mga benepisyaryo mula Dimasalang, Balud, Baleno, Esperanza, Pio V. Corpuz, at Palanas. Nakatakda na din ang huling batch ng training sa bayan ng San Fernando at Batuan, sa isla ng Ticao, Masbate.
