BACOLOD CITY, NEGROS OCCIDENTAL — Kalahok ang Bicol Region sa 18th National Organic Agriculture Congress (NOAC) nitong Nobyembre 18-20, 2025. Ito ay isang pagtiripong naglalayon na palawakin ang kaalaman ukol sa mga benepisyo ng organikong pagsasaka.

Pinangunahan ito ni NOAP Director Bernadette F. San Juan at dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ayon sa kanyang mensahe “ang organikong pagsasaka ay di lamang kabuhayan, ito ay kabayanihan. Every seed you plant organically is an act of protecting our soil, water, and the health of future generations.”

Tinalakay sa kongreso ang mga makabagong teknolohiya, polisiya, at kwento ng tagumpay mula sa mga magsasaka at organisasyon na matagumpay nang nakakamit ang masagang ani nang hindi umaasa sa kemikal. Nagkaroon rin ng farm visit sa ikatlong araw nito.

Ang mga delegado na kumatawan sa Rehiyon 5 ay kinabibilangan ng mga magsasaka, mga Agricultural Extension Workes, empleyado ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Regional Organic Agriculture Focal Person Dr. Maria Christina Campita, at dalawang exhibitors: ang Pecuaria Development Cooperative na producer ng organikong bigas at Deloverges Farm tampok ang organic ube powder, dried taro leaves, at essential oils. Ang partisipasyon na ito ay patunay sa lumalakas na interes at paninindigan ng mga Bikolano para sa organikong pagsasaka.

Patuloy na sinusuportahan ng DA RFO 5 at ng mga organic stakeholders sa Bicol ang agenda para sa mas malinis, mas sustenable, at mas masaganang sistema ng pagsasaka, na magbibigay hindi lamang ng masustansyang pagkain kundi mas mataas ding kita at proteksyon sa kalusugan ng mga magsasaka.

Ulat at kuhang larawan ni: Bettina Andrea B. Belen, DA RAFIS 5