Upang higit na mapalakas ang pagpapatupad ng Animal Welfare Act (RA 8485 na inamyendahan ng RA 10631), isinagawa ng Department of Agriculture Bicol Regulatory Division katuwang ang Bureau of Animal Industry (BAI) ang tatlong araw na Animal Welfare Enforcement Officers (AWEOs) Training na nagsimula nitong ika-2 ng Setyembre sa Naga City.

Layon ng aktibidad na mabigyan ang mga kalahok mula sa hanay ng uniformed personnel, LGU veterinarians, at Regional Animal Welfare Officers (RAWOs) ng sapat na kaalaman, oryentasyon, at kasanayan sa pagpapatupad ng batas para sa kapakanan ng mga hayop.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) mula sa anim na probinsya ng Bicol, Bureau of Animal Industry (BAI), Philippine Army, Coast Guard, mga beterinaryo ng PLGUs, at mga deputized RAWOs.

Sa unang araw ng pagsasanay, tinalakay ang Animal Welfare Act of 1998 (RA 8485 na inamyendahan ng RA 10631), ang Anti-Rabies Act of 2007 (RA 9482), at ang DA Administrative Order No. 10 s. 2005 o Rules and Regulations on the Transport of Animals. Bukod dito, nagkaroon din ng review and updates sa Animal Welfare Enforcement sa Pilipinas at ibinahagi ang mga updates on implementation ng Animal Welfare Act kabilang ang regulasyon sa animal facility, registration, handlers, at transport carriers.

Tatlong araw isasagawa ang nasabing training na magtatapos sa Huwebes, ika-4 ng Setyembre. Sa mga susunod na araw, inaasahan na magkakaroon ng pangkatang gawain ang mga kalahok at iba pang talakayan na nakatuon sa mga probisyon ng batas, pagpapatibay ng enforcement activities, at pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko hinggil sa pangangalaga ng hayop.

Ulat ni: Emie Jane Malonzo Kuhang larawang ni: Raymond Adversario