Patuloy ang pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o DA-DOLE Agri-TUPAD Convergence Program sa Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ngayong araw ay bumisita ang ilang mga opisyal at kawani ng DOLE Bicol upang i-monitor ang mga naging bunga ng programa.
May 150 benepisyaryo ang DA-DOLE Agri-TUPAD Convergence Program na nakatalaga sa Research Division at sa pitong Research Outreach Stations ng DA Bicol. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P395 bawat araw kapalit ng anim na oras na trabaho sa loob ng 90 araw kabilang na ang pagpapanatili ng kalinisan, agricultural support, at training.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang inklusibong pag-unlad sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng masinop, produktibo at responsableng paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Ulat ni: Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5
Kuhang larawan ni: Zandra G. Abogado, DA RAFIS 5
