Isa ang Organikong Magsasaka ng Masbate sa mga nais sumailalim sa Participatory Guarantee System (PGS) Accreditation. At nitong ika 14-18 ng Hulyo ay binisita sila ng DA Regional Pre-Assessment Team (RPAT. Layunin ng aktibidad na masuri at gabayan ang mga pangunahing kasaping magsasaka sa kanilang paghahanda para sa PGS accreditation, isang mahalagang hakbang upang maipatupad nang wasto ang organikong pagsasaka sa rehiyon.
Sa loob ng limang araw, sinuri ng RPAT ang mga bukirin ng mga core farmer-members upang matiyak na ang mga ito ay tumutugon sa pamantayan ng Philippine National Standards on Organic Agriculture. Kasabay nito, isinagawa rin ang coaching at mentoring sessions na nagbigay-linaw sa mga proseso, dokumentasyon, at mga kinakailangang ebidensya para sa aplikasyon. Sa ganitong paraan, patuloy na isinusulong ng DA ang lokal na sistema ng sertipikasyon na abot-kaya, inklusibo, at tunay na para sa mga magsasaka.
