Nakikiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol sa Serbisyo Caravan na inilunsad ng CamSur ComNet at Philippine Information Agency (PIA) CamSur at naghatid ng serbisyong direktang nakinabang ang mga mamamayan.

Isinagawa ang caravan sa LRV Sports Complex, South Centro, bayan ng Sipocot. Bukod sa P20 bigas, namigay din ng vegetable seeds, IEC materials, nagsagawa ng RSBSA registration at nag abot ng iba pang mga serbisyo ang DA Bicol kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan.