Aabot sa 100 na katutubo ang nabigyan ng mga binhing pananim at IEC materials mula sa Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol sa ginanap na Information Cum Serbisyo Caravan for Indigenous Peoples sa Donsol, Sorsogon noong ika-15 ng Agosto. Isa ang DA Bicol sa 27 ahensya na nakiisa sa Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon sa pagpapaabot ng napapanahong impormasyon at serbisyo sa halos 400 na mga katutubo sa nabanggit na bayan. Tampok din sa aktibidad ang mga produkto ng siyam na mga magsasaka at farmers’ cooperatives and associations (FCAs) na nakilahok sa Kadiwa ng Pangulo na nakapagtala ng kabuuang kita na P30,650.

Sa kasalukuyan ay may anim na barangay sa Donsol na benepisyaryo ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Bicol. Mula taong 2021 tumanggap sila ng mga ayuda na nagkakahalaga ng humigit kumulang P4.9 milyong piso kabilang na ang high value crops production package, livestock and poultry production package, at organic fertilizer production package. Sumailalim din sila sa iba’t ibang mga pagsasanay upang mapalago ang kanilang mga sakahan at negosyong pag-agrikultura. (Ulat at kuhang larawan ni: Annielyn L. Baleza, DA RAFIS 5