OCAMPO, CAM. SUR โ โ๐๐ ๐ฉ๐ค๐ฉ๐ค๐ค ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค, ๐๐ ๐ค, ๐๐๐ง๐จ๐ฉ ๐ฉ๐๐ข๐ ๐ ๐ค ๐ฅ๐ค ๐ข๐๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐โฆ๐จ๐ ๐ฆ๐ช๐๐ก๐๐ฉ๐ฎ ๐ฅ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ฆ๐ช๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐ฎ, ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐ช๐ฌ๐๐จ๐๐ฃ ๐ฅ๐ค ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐, ๐๐๐ ๐ช๐ก๐ ๐ฅ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ฎ๐. ๐๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ ๐ฅ๐ค, ๐จ๐๐๐ช๐ง๐ค ๐ฅ๐ค ๐ข๐๐จ๐๐จ๐๐๐ ๐ ๐ค ๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ค๐จ ๐ข๐ ๐ฅ๐ค ๐๐ฃ๐โฆ๐๐ ๐ฉ๐ค๐ฉ๐ค๐ค ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค, ๐ข๐๐ฎ ๐จ๐๐ง๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐๐๐ง ๐ฅ๐ค ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ช๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐๐จ ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค ๐ ๐๐ข๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐ค ๐ฅ๐ค; ๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ข๐ ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ช๐ก๐ ๐ฅ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ง๐๐ฎ ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐. ๐ผ๐ ๐ค ๐ฅ๐ค ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ง๐๐ฎ ๐จ๐๐ ๐ ๐๐ฃ ๐จ๐๐ ๐ช๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ค๐จ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐ง๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐๐ค๐ข๐ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ฎ๐ค, ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ช๐จ๐ค๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ค๐จ ๐ฅ๐ค ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ง๐๐๐, ๐๐๐ ๐ค ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค ๐๐๐๐ ๐จ๐๐ข๐ช๐ฎ๐ ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐๐๐ง.โ
Ito ang naging pahayag at testimonya ni Joel Caratao, isang farmer cooperator mula sa San Vicente-Balingbing Irrigators Association, kaugnay ng positibong epekto ng paggamit ng hybrid rice varieties sa isinagawang Hybrid Rice Technology Demonstration Field Day sa 100 ektaryang cluster rice areas, nitong ika-26 ng Pebrero sa Barangay San Vicente, Ocampo, Camarines Sur. Sa nasabing field day ay umani siya ng 87 sako ng palay (55-58 kilo bawat sako) sa humigit kumulang isang ektaryang techno demo area niya.
Dinaluhan ang aktibidad ng humigit-kumulang 400 kalahok na binubuo ng mga miyembro ng Farmersโ Cooperatives and Associations (FCAs) at mga kinatawan mula sa State Universities and Colleges (SUCs) galing sa 15 bayan ng Camarines Sur. Unang isinagawa ang farm walk at field demonstration kung saan personal na nasaksihan ng mga dumalo ang resulta ng clustering at mga teknolohiya sa pagtatanim ng hybrid rice.
Layunin nito na maipakita sa mga magsasaka ang epekto ng ibaโt ibang hybrid rice varieties sa aktwal na kondisyon ng sakahan; maipalaganap ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa produksyon ng palay; at mahikayat ang mas maraming magsasaka na gamitin ang high-yielding hybrid rice upang mas mapataas ang kanilang ani at mapalago ang kanilang kita.
Ang mga pribadong seed companies na nagsagawa ng technical discussion at technology demonstration ay ang SL Agritech Corporation, Allied Botanical Corporation, Syngenta Philippines, Inc., Seedworks Philippines Inc., Bayer Philippines, Inc., Leads Agricultural Products Corporation, Bioseed Research Philippines Inc., at Pro Agri Seed Copration. Bawat kumpanya ay nagbahagi ng kani-kanilang hybrid rice varieties, production protocols, at recommended farming practices upang higit na mapabuti ang rice production ng mga magsasaka sa rehiyon.
Naging sentro rin ng programa ang pagtalakay ng ibaโt ibang katuwang na ahensya ng pamahalaan na nagbahagi ng kanilang mga serbisyo na sumasaklaw sa suporta para sa mga magsasaka, mula produksyon hanggang sa pagbebenta ng kanilang ani. Kabilang sa mga ito ay ang National Food Authority (NFA), Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH), National Irrigation Administration (NIA), at Land Bank of the Philippines (LBP).
Ulat ni: Emie Jane B. Malonzo, DA RAFIS 5 Kuhang larawan nina: Zandra Abogado at Ramon Adversario, Jr., DA RAFIS 5
