SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – May kabuuang halagang P30,183,931.00 ang mga interbensyon na naipamahagi ng Department of Agriculture – Bicol sa anim ng probinsya ng Bicol bilang parte ng Handog Pangulo Serbiyong Sapat para sa Lahat noong ika-13 ng Setyembre.
Samantala, ang Kadiwa ng Pangulo na nagtampok ang mga exhibitors mula sa DA, DTI, DSWD, DAR, BFAR at mga provincial Local Government Units sa anim na probinsya ay nakalikom ng P1,614,969.72 sales habang umabot naman sa 3,000 Bicolano ang nakabili ng tig-10 kilong Benteng Bigas (P20 Rice). Sa kalahatan 600 bags NFA rice na may kabuuang halagang P600,000 ang naibenta sa buong rehiyon sa araw ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Sa Albay, P2,739,022 ang kabuuang interbensyong nakuha ng walong grupo ng magsasakang Albayanos kabilang ang CFIDP cacao nursery project; 144 units garden tools; 10,000 pcs grafted pili; 20,000 kilos organic fertilizer at 12 stingless bee colonies. Sa Camarines Norte P3,991,244 ang kabuuang suportang nakuha ng 14 grupo ng magsasaka mula sa DA Bicol. Kabilang na ang 976 bags ng inorganic fertilizer; 2 CFIDP cacao nursery projects; 2,500 pcs grafted pili; at 5,000 bags organic fertilizer.
Sa Camarines Sur P13,159,820 ang kabuuang interbensyon. P7,014,000 ay Rice Farmers Financial Assistance para sa 1,002 na magsasaka ng palay ng tumanggap P7,000 bawat isa. P6,145,820 naman ay nakuha ng 20 na mga grupo ng magsasaka na tumanggap ng 12 stingless bee colonies; 6,000 pcs grafted pili; 12,000 kilos organic fertilizer; 3 units CFIDP cacao nursery project; at 1 unit Indoor cultivation system na nagkakahalaga ng P2.8M.
Sa Catanduanes P2,984,323 ang natanggap ng 11 grupo ng magsasaka. Kabilang ang Solar Powered Irrigation System; Vermi-composting shed; 12 stingless bee colonies; grasscutter; vermi tea brewer; feed pelletizer; at multi-tilling machine.
Sa Masbate, P4,684,522 ang kabuuang suporta na natanggap ng 6 grupo ng magsasaka. Kabilang ang P3M combine harvester para sa mais, 2 units corn husker sheller; walking-type agricultural tractor; vermi tea brewer at CFIDP cacao nursery project.
Sa Sorsogon P 5,436,022.26 ang kabuuang halaga ng interbensyon sa 2 grupo ng magsasaka at Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) para sa 375 na magsasaka ng palay.
Kasama rin sa mga ipinamahagi ang mahigit 10,000 kopya ng IEC materials o babasahing pang-agrikultura. (Lovella P. Guarin – RAFIS 5)
