Umaabot sa 45 kada linggo ang katay sa pinakaunang slaughterhouse sa buong bansa na nagkakahalaga ng PhP27.93-milyon na pinondohan ng DA-PRDP sa Ragay, Camarines Sur.
Ayon kay Arnold Losabia isang meat vendor na nagpapakatay sa bagong slaughterhouse malaking tulong ang makabagong slaughterhouse sa pagsisiguro na ang karneng kinakatay ay malinis at ligtas para sa meat consumer public. “Hindi na kinikwestyon ang quality ng baboy kapag may nakita silang tatak na galing sa slaughterhouse hindi na sila nagtatanong kung saan kinatay, nawala na ang haka-haka na double dead kasi maayos na ang proseso ng pagkakatay” dagdag ni Losabia
Mula nang magsimula ang operasyon nito noong Enero 2024, malaki na ang naitulong ng slaughterhouse sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinis at maayos na pasilidad para sa pagkatay ng 2,928 na baboy, 152 na baka, at 4 na kambing, na nagresulta sa kita na PHP 1.4 milyon. Mula Enero hanggang Hunyo 2025 lamang, nakatay pa ang karagdagang 924 na baboy, 93 na baka, at 2 kambing, na nagbigay ng karagdagang kita na PHP 556,442.00.
Isinagawa ito sa ilalim ng Operations and Maintenance Audit System (OMAS) ng Regional Operations and Maintenance Audit Team (ROMAT) para sa natapos na proyekto ng PRDP. Layunin ng OMAS na suriin ang kalagayan ng proyekto siyam na buwan hanggang isang taon matapos itong makumpleto, partikular sa aspeto ng Functionality, Physical Condition, at Social and Institutional Status.
Gumagamit ang ROMAT ng O&M audit tool upang suriin ang pagpapatupad ng MLGU Ragay ng kanilang mga O&M plan batay sa pisikal, pinansyal, at institusyonal na pagganap. Isang komprehensibong ulat ng OMAS na naglalaman ng mga natuklasan at rekomendasyon ang isusumite sa LGU para sa agarang at angkop na aksyon. Ginawaran ang Ragay slaughterhouse ng National Meat Inspection Service (NMIS)-accredited bilang isang AA district slaughterhouse noong Nobyembre 2024. (Shaira Enimedez, PRDP Bicol InfoACE)
