TABACO CITY – Ganap nang naipagkaloob ng Department of Agriculture Bicol ang P2M Pili Nursery Shed sa Mt. Mayon Pili Producers Cooperative sa Tabaco City. Ito ay pinondohan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) bilang suporta sa industriya ng pili โ ang flagship commodity ng Bicol.
Ang Mt. Mayon Pili Producers Cooperative ay isa sa limang (5) kooperatiba na napili mula sa kabuuang labimpitong (17) Farmersโ Cooperatives and Associations (FCAs) na isinailalim sa ebalwasyon para sa naturang interbensyon, patunay ng kanilang kahandaan at kakayahan na pamahalaan ang proyekto.
Bilang bahagi ng paghahanda, naging katuwang din ang DENRโUNDP sa pamamagitan ng ABS Project for Pili, na nagsagawa ng mga pagsasanay sa Nursery Establishment at Accreditation. Ang mga pagsasanay na ito ang nagsilbing batayan upang maging kuwalipikado ang kooperatiba sa pagtanggap ng nasabing interbensyon.
Dumalo sa seremonya sina ARDC-AES OIC Superintendent Ronaldo Coprada at mga kinatawan mula sa LGU Tabaco. Inaasahang ang bagong Pili Nursery Shed ay magbibigay daan sa mas episyenteng pagpaparami ng de-kalidad na planting materials, mas matatag na suplay ng pili, at mas pinalakas na agri-enterprise ng kooperatiba na makikinabang ang mga magsasakang Bicolano at ang lokal na industriya ng pili. (Ulat ni Jomarie Lozada- Kuhang larawan ni Airon Bongon- AES)
