LEGAZPI CITY | Ginawaran bilang 3rd Top Performing Region ang DA Bicol Regional Program Management Office (RPMSO) sa katatapos na National Midyear Physical and Financial Assessment ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program noong Agosto 4-8, 2025.
Sa pangunguna ng SAAD National Program Management Office (NPMO), ginanap ang week-long assessment ng programa kasama ang 15 SAAD-covered regions mula Ilocos Region hanggang CARAGA Administrative Region ngayong kalagitnaan ng taon.
Dahil sa matagumpay na pagsasakatuparan ng lahat ng proyekto ng programa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nakapagtala ang Bicol Region ng 87.38 % sa overall ratings na binubuo ng 91.53% accomplishment rate sa Financial Obligation; 66.39 % sa Disbursement at 100% sa Physical Accomplishment.
Samantala, sinundan naman ng 2nd Top Performing Region ang SAAD Zamboanga Peninsula Region na may 92.44% overall rating at ang 1st Overall Performing Region, ang CALABARZON na may 100% overall rating. Patuloy na magpupursigi ang SAAD Bicol at mga kaagapay nitong rehiyon at ahensya sa pagpapaabot ng kaukulan at nararapat na asistensya sa mga benepisyaryo nito sa rehiyon. ###
