Tinanggap ng DA-Bicol sa pangunguna ni Regional Executive Director Rodel P. Tornilla ang Certificate of Recognition sa nakamit na OUTSTANDING OVERALL PERFORMANCE (Top 5 among 15 regions) sa unang semestre ng 2022. Ang sertipiko ay iginawad ni DA Undersecretary for Operations and Chief of Staff Leo S. Sebastian at Engr. Arnel V. De Mesa, Assistant Secretary for Operations, noong Agosto 11 sa DA Central Office sa Quezon City. Maraming salamat po sa kasipagan at patuloy na suporta ng mga magsasaka at mangingisda sa mga programa ng DA sa Bicol !