Nagagamit na sa Tabugon, Sta, Elena entry point at Matnog, Sorsogon exit point ang dalawang mobile disinfection trucks na galing sa Bureau of Animal Industry, matapos na ang mga ito ay i-turn over kamakailan sa nasabing mga Veterinary Quarantine checkpoints.
Sa Matnog, Sorsogon, ang turn over ay nasaksihan ni Dr. Emmanuel N. Villafuerte, Hepe ng Regional Veterinary Quarantine Office ng Bicol; Dr. John Ashley De Castro, Provincial Veterinary Chief ng Sorsogon; at G. Achilles C. Galindes, PPA TMO, Matnog Port Manager.
Sa Tabugon naman, ang turn over ng disinfection truck ay nasaksihan din ni Dr. Emmanuel N. Villafuerte; Dr. Ronaldo Diezmo at mga kawani ng Provincial Veterinary Office kasama ang mga kawani ng LGU Sta. Elena, Camarines Norte.Nagsagawa din ng orientation si Michael Angelo delos Santos, hepe ng General Services Section at staff na si Mark De Leon para sa Veterinary Quarantine Teams sa dalawang checkpoints hinggil sa paraan ng paggamit ng nasabing disinfection equipment.
Matatandaang ang dalawang disinferction trucks na nagkakahalagang P3.5 M bawat isa ay ibinigay ng BAI sa DA Bicol noong Hulyo 14. Lahat ng rehiyon ay nabigyan ng BAI upang masugpo ang paglaganap ng African Swine Fever maging iba pang sakit ng hayop sa bawat rehiyon