Nagsagawa kamakailan and DA Bicol sa pamamagitan ng Agri-Business Marketing Assistance Division (AMAD) ng Info Caravan sa iba’t ibang probinsya. Ang Info Caravan ay may layunin na ilahad ang programang Kadiwa Agribiz Assistance for the Youth and OFW (KAAYO) sa ilalim ng Micro Agri-Kabuhayan para sa Balikbayan Program. Ang programa ay para sa mga repatriated na OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic at hindi na makakabalik sa abroad.Layunin din ng KAAYO na ipaalam sa mga bumabalik na Overseas Filipino Workers na gustong magnegosyo, ang mga assistance programs ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nakalaan para sa kanila. Hinihikayat din ang mga umuuwing OFWs na mamuhunan sa sektor ng agrikultura upang makaambag sa “Food Security” ng bansa.Sa pakikipagtulungan ng mga ahensya tulad ng: Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Agricultural Training Institute (ATI), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Land Bank of the Philippines (LBP) at Bank of the Philippine Island (BPI), ang mga OFWs ay magkakaroon ng pagkakataon na matuto kung paano nila patatakbuhin ang kanilang mga negosyo. Ang mga ahensyang nabanggit ay may nakahandang loan at training program para makapagsimula ng negosyo ang mga interesadong OFWs. Ayon sa ACPC, pwedeng umabot hangang P300,000 ang maaring ma-loan ng isang OFW depende sa napili nilang negosyo. Sila ay tatawaging Agri Entrepreneur. Una ng ginawa ang Info Caravan noong ika-22 ng Hunyo sa Camarines Sur; ika-14 ng Hulyo sa Sorsogon at ika-18 ng Agosto sa Catanduanes. Nakatakda ring isagawa ang nasabing Caravan sa ika-15 ng Setyembre sa Masbate; ika-20 ng Oktubre sa Camarines Norte at ika-16 ng Nobyembre sa Albay. (B. Nunez)Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang ACPC website (acpc.gov.ph) at mag log in sa acpcaccess.ph