Isa sa mga proyekto ng DA Bicol Research Division ay ang “Support to Mass Production of Pineapple Quality Planting Materials through Mass Propagation Technique and/or Protocol in Camarines Norte” na nabigyan ng mahigit P3M pondo mula sa Bureau of Agricultural Research (BAR).
Ayon kay Engr. Bella Frias, Superintendent ng Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station at proponent ng proyektong ito, sa pamamagitan ng tissue culture at macro-propagation technology ay makakasiguro ng de-kaledad na planting materials ng pinyaa gaya ng Queen pineapple at MD-2 pineapple na maaring makatugon sa problema sa limitadong supply nito.
Samantala, ayon naman kay Behilda Balisoro, ang tagapamahala ng Tissue Culture Laboratory, sila ay gumagamit ng pineaple crowns sa pagproduce ng tissue culture derived seedings.Nakapag pamahagi na ang laboratoryo ng 2,010 na tissue cultured planting materials ng pinya sa High Value Crops Development Program at 3,460 naman sa Daet, Camaerines Norte at sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ito sa produksyon ng nasabing punla.Sa Camarines Norte, ang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Mercedes, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Basud ay nauna nang nakatanggap ng mga punla at nabigyan rin ng pagsasanay tungkol sa tamang pagtatanim nito. (B. Nuñez; photos: Eduardo Collantes, Jr.)