Magsama-sama po tayo upang matulungan ang ating magsasaka.

Sa pagbaba ng presyo ng palay, kailangan ng suporta ng ating mga magsasaka mula sa ating mga consumers.

Dahil parating na ang anihan, narito ang mga paraan upang matulungan ang ating mga magsasaka:

1. Bumili ng locally-produced na bigas sa mga retailers, palengke, tindahan, at supermarkets.

2. Tangkilin ang mga kainang direktang bumibili ng bigas mula sa mga magsasaka o farmers’ cooperatives.

3. Kung kayo ay may kilalang farmers’ cooperative, tulungan natin silang maging supplier ng mga kainan sa inyong lugar.

4. Kumbinsihin ang inyong LGU na bumili ng palay mula sa magsasaka sa darating na anihan.

#BuyLocalRice#SupportOurRiceFarmers#MagsasakaMahalaga