Naglunsad kumakailan ang Department of Agriculture ng Corn Derby sa pitong ektaryang taniman ng mais sa barangay San Alfonso, Bombon Camarines Sur. Kaagapay ang Research Division ng ahensya at local na pamahalaan ng Bombon Camarines Sur, and nasabing proyekto ay layung ipamalas sa mga magsasaka ang iba’t ibang cultural practices ng 13 na barayti ng mais at teknolohiya na makatutulong upang makamit ang mataas na ani at kita. Anim na kumpanya ng binhi ang nakikipagtulungan para sa nasabing proyekto.
Bawat kumpanya ay bibigyan ng tig isang ektarya para taniman ng tig dalawang barayti ng mais. Sila ay maglalaban sa paramihan ng ani at kalidad ng produkto upang magabayan ang mga magsasaka sa kalapit lugar sa pagdesisyon ng pagpili ng gagamiting barayti. Ang pagtatanim ay sinimulan noong huling lingo ng hunyo at unang lingo ng hulyo sa taong ito. Inaasahang maisasagawa ang harvest festival sa ika labing pito ng Oktubre sa taong ito.
Ayon kay Earl Vincent Vegas, Regional Rice Focal and Corn Program Coordinator ng ahensya, sa pamamagitan ng Corn Derby. Magkakaroon ang mga magsasaka ng pagkakataong malaman ang mga de kalidad na barayti para na rin sa benepisyo ng mga magsasaka. Dagdag pa nya, sa pamamagitan nitong Corn Derby, maiibida ang mga teknolohiya na ginamit ng mga Seed Companies. Hinikayat nyang magtulungan ang lahat sa ikauunlad ng industriya ng mais lalo na’t dumanas tayo ng maraming pagsubok.Ang gastos sa mga inputs gaya ng abono, binhi at labor ay inako ng mga Seed Companies at ang paghahanda ng lupa ay inako ng may ari ng lupa at isa ring magsasaka na si Mr. Eusebio Caguimbal. Samantala sa parte ng DA, ang ahensya ay mag magbibigay ng technical assistance, field monitoring at kukuha ng mga datus para magamit sa mga pag-aaral. (B. Nunez)