SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – Nagdaos ng 3rd Quarter Regional Management Committee (RMC) Meeting ang One DA Bicol family sa pangunguna ni Regional Executive Director Rodel P. Tornilla nitong Lunes, Agosto 15, 2022.
Ang RMC meeting ay ginanap sa 3rd Floor ng Field Operations Building upang masusing pag-usapan ang mga bagong direktiba at upang mas lalong mapalakas ang regional coordination at pagtutulungan ng mga ahensya. Tinalakay din ang pagkakaroon ng sapat na produksyon ng bawat commodity kung saan may kanya-kanyang ahensyang nakatalaga.
Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga Regional Director ng mga Bureaus at attached agencies na kabilang sa Department of Agriculture, tulad nina Philippine Coconut Authority (PCA) Regional Director Mateo B. Zipagan; PhilRice Bicol Branch Director Victoria C. Lapitan; National Food Authority (NFA) Acting Regional Manager Allan Joseph Abapo; National Meat Inspection Service (NMIS) OIC RTD Dr. Ernesto Tabing; Agricultural Training Institute (ATI) Center Director Elsa A. Parot; Sugar Regulatory Administration (SRA) Mill District Officer Engr. Maria Teresa M. Caballero; PhilFIDA OIC Mary Anne R. Molina; Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Regional Officer Gabriel B. Atole; BPI – National Seed Quality Control Services (NSQCS) Chief Marites R. Reyes; at Agricultural Credit Policy Council (ACPC) Bicol representative Michael Jordan Roquid. Dumalo din sa RMC meeting ang mga representatives ng National Irrigation Administration (NIA) Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR); Bureau of Animal Industry at Philmech Bicol.
Samantala, tinalakay ni Dr. Mary Grace Rodriguez, Hepe ng Field Operations Division, ang mga bagong direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos. Aniya, kabilang sa mga short term directions ng agrikultura ay ang pagbibigay ng tulong teknikal at pinansyal upang mapataas ang ani ng mga magsasaka sa susunod na planting season; pagbibigay ng farm inputs na bibilhin nang maramihan ng gobyerno tulad ng abono, pestisidyo, binhi at pagbibigay ng fuel subsidy at iba pang tulong. Ang ilan sa mga long term directions naman ay ang mekanisasyon at modernisasyon ng mga sakahan at pagpapatayo ng mga farm-to-market roads, mga makinaryang gamit makatapos ang ani at maging sa pagproseso; at pagpapalaganap ng Kadiwa stores. (Lovella P. Guarin – RAFIS 5)